"Let's talk." Joeuanna's body tensed. Kakapasok niya lang sa suite nila at nasa gilid ng pinto si Blake, nakahalukipkip. She felt like she's guilty of something kaya hindi niya agad nasalubong ang mapanuring tingin nito. "Can't we? I mean... you already talked to someone else these whole morning. I let you be together. I didn't disturb you anymore. Nakakahiya naman kasi sa inyo, di ba?" Hindi nakaimik si Joeuanna. Somehow, mas lalo siyang na-guilty. Especially that she admittedly had a goood time with Aris. Kuyom ang kamaong nagpatuloy si Blake. Pagkatapos niyang umalis kanina dahil sa tawag galing sa cafe ay hindi na siya bumalik sa dalawa. Bukod sa bad trip na siya, Melissa is clinging to him at alam niyang kapag bumalik siya kina Joeuanna ay mas lalong sasakit ang ulo niya. Kaya si

