Iniwan nila Blake ang tricycle sa isang kakilala bago umukupa ng isang pumpboat. Makaraan ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na din sila sa Seco Island. Maganda ang isla kagaya ng sabi ng lola niya, white sand iyon at in a shape of an elbow, ayon kay Joeuanna who can't stop blubbing about the island. Parang kinareer pa nito ang pagiging tour guide, complete with a monotone voice na tinawanan nila. Panay din ang click ng camera niya habang palapit sila sa isla. The sea water is so clean he can see the underwater creatures clearly. He can't help but be left in awe dahil sa nakikita.
"Joe!"
Nakita niyang sumaludo si Joe sa tumatakbong lalaki palapit sa kanila. Agad nitong inakbayan ang babae. "Gumaganda ang pare ko, ah. Iyong totoo, sino ang pinagpalit mo sa'kin?"
Sinuntok ng mahina ni Joe ang lalaki, "Magtigil ka nga Randey! Dati na akong maganda, ano.. At huwag ka ngang magsalita na parang ako ay hindi mo napalitan." Pabiro nitong kinuwelyuhan ang lalaki, "Sino siya? Pakilala mo naman sa'kin."
Napakamot ang lalaki, "Andito lang siya. Pero hindi mo makikita."
Napalunok si Joe at luminga-linga sa paligid bago pilit na ngumisi. Mukhang totoo nga ang tsismis. "A-ah, naka-invisibility cloak ba siya?" biro niya na lang.
"Oo!" tila naexcite na sagot ni Randey. "Naka puting invisibility cloak siya. Pasensiya ka na at ayaw niyang magpakita sa'yo."
Tumangu-tango si Joe at nagpapasaklulong tumingin sa mga tiyuhin. Kinikilabutan siya sa mga sinasabi ng kaibigan. Pero hindi siya napansin ng mga ito dahil busy sa pakikipag-usap sa ibang taga-isla.
"O..sino 'tong tisoy na 'to? Boyfriend mo, pare? Wow, dalaga na si Joeuanna! Pumapag-ibig na at kinalimutan na si Key!" sabi ni Randey ng mapansing sumasabay sa paglakad nila si Blake.
"Hindi! A-ano... bakasyunista iyan, apo ni lola Saly."
"Apo ni Lola Sally? Siya iyong-"
"Oo.. siya iyong laging kinukwento ni Lola Sally sa'tin noong nasa Calgeria ka pa," agaw niya sa sasabihin ng kaibigan. Ang walangyang ito, ibubuking pa siya. Mukhang nakuha naman nito ang panlalaki ng mga mata niya kaya natatawa itong ngumisi.
"Sabi mo e." Hinarap nito si Blake, "Hi pare! Randey nga pala, kababata ni Joe."
"Blake.." anang lalaki at tinanguan si Randey.
"Doon ba kayo ulit sa bahay tutuloy?"alanganing tanong ni Randey.
"Uhm.. di ko alam kina Tito e.." alanganin niyang sagot dito. Nitong mga nakaraang taon kasi, kapag pumupunta sila ng Seco ay kina Randey sila tumutuloy.
"Pwede bang sa bahay na kayo tumuloy? Naaawa kasi ako kay Nanay. Sayang ang handa niya, iilan lang ang dumadaan dahil sa tsismis na kumakalat tungkol sa'kin. Hinawakan nito ang mga kamay niya, "Joe, pare, ikaw ba, naniniwala sa kanila? Normal pa din naman ako, hindi ba? Ako pa rin naman ito. Kasalanan ko ba'ng bulag sila pagdating sa syota ko?"
Naawa si Joe sa kaibigan. Normal pa din naman talaga ito, kung siya ang tatanungin. Maliban na lang kapag binabanggit nito ang girlfriend. Seryoso, nakarating na ba sa Pinas ang invisibility cloak ni Harry Potter? Mas gusto niyang isipin iyon kaysa tsismis na hinahabol ng diwata ang kaibigan niya. Nginitian niya ang kaibigan, "Basta, makaibigan pa din tayo."
**************
"Saan ka galing?" sita ni Joeuanna kay Blake pagkabalik niya mula sa pag-iikot ng isla. Maganda nga talaga ang lugar at kung hindi pa nalowbat ang camera niya ay hindi siya uuwi.
Itinaas niya ang camera bilang sagot. "Dapat pala ngdala ako ng underwater camera tsaka extrang damit. I want to swim and get pictures underwater pero unfortunately, ito lang ang dala kong camera."
"Ano? Hindi mo pwedeng gawin iyan!"
Tumaas ang kilay niya, "Bakit naman?"
"Kilala mo iyong kaibigan ko diba? Gusto mo ba'ng magaya sa kanya?"
"The burned one with an invisible girlfriend? Syempre hindi."
"Burned? Grabe ka naman, hindi ba pwedeng black beauty? Tsaka may pangalan ang tao. Randey!" Nanlalaki na naman ang butas ng ilong nito sa inis.
He smirked, "Oh, sorry. Natatamaan ka ba?" He chuckled ng makitang kumuyom ng kamay nito. Balak na naman yata siyang sapakin. Nangingiti siyang tinalikuran ito . Hindi naman ito dapat magalit kasi morena naman ito at hindi kagaya noong Randey.
"Hindi sa ganoon! Ayoko lang magaya ka sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ni Lola Sally sa'kin kapag umayaw ka ng bumalik sa Cargrlria dahil may invisible girlfriend ka na rin dito?"
Napailing si Blake. Mga probinsiyana talaga, oo. Mahilig magpaniwala sa mga weird stories. Iyong Randey na iyon ay mukhang frustrated lang magka syota kaya nag-imbento na lang. He looks perfectly normal, even with a burned skin tone. Napansin niyang natahimik si Joeuanna kaya nilingon na niya ito. "Are you that worried?"
"Oo naman..paano na si Lola Sally kapag may nangyari sa'yo..."
"Well, may alam ka ba to keep those creatures away from me?"
Tila may inalala ito bago siya sinagot. "Ayon sa mga matatanda, kapag nakita ng mga babeng iyon na taken na ang isang lalaki, hindi na sila maghahabol pa. Kadalasan sa mga biktima nila ay single."
"Paano kung hindi naman talaga sila pero nakahalikan lang, counted ba iyon?"
"Oo yata, kasi parang gusto nila iyong inosente."
He smirked, the story is so absurd pero pinaniwalaan nito. "Well you can relax dahil hindi ako inosente, Joeuanna. Marami ng dumaang babae sa'kin." Nilapitan niya ito na ngumuso. Hinawakan niya ang nakayukong mukha nito at itinaas para magtama ang paningin nila. "But just to make it safe at para na rin hindi ka nag-aalala..." he leaned and kissed her lips. She was obviously stunned. He chuckled sa naging reaction nito. "There. Now they know, I'm somehow taken."
***************
"Blake, ano ba?" hila-hila si Joeuana ng lalaki papunta sa kabilang bahagi ng isla. Mataas pa din ang sikat ng araw, mainit sa balat pero totohanin pa rin yata nito ang pagligo. Alam niyang kalokohan ang sinabi niya kanina. Walang scientific proof, wala sa record ni Google, pero iyon ang dinig niyang sabi-sabi kaya shinare niya dito. Mabuti na rin iyong naipaalam niya kaysa hindi at sisihin ang sarili sa pagtatago ng nalalaman. Paano na lang kung magaya si Blake kay Randey? Hindi niya lubos maisip ang eksena. Pero hindi niya rin inasahan ang ginawa nito. Hindi niya lang nagawang awayin ang lalaki dahil nagdatingan na ang mga tiyuhin niya at nag-umpisa silang kumain.
"Come on... Maliligo lang ako. Ang ganda ng dagat dito para kunan lang ng picture. Isa pa, since concerned much ka naman sa'kin at ayaw mo akong maposses or whatever, bantayan mo na lang ako." He said, smiling habang palapit sila sa lagoon.
"Teka, may baon ka ba'ng damit?" tanong niya sa halip na awayin ito sa pagnakaw ng halik niya.
"Oo naman, unlike you, Boy Scout ako." Hinubad nito ang t-shirt, kasunod ang suot na pantalon.
Iniwas niya ang mga mata sa lalaki. Hindi naman iyon bago sa kanya dahil sa mga tiyuhin at barkada niya.. Pero iba kasi si Blake.
"Joeuanna..."
"Oh, bakit?" taka niyang tanong. Akala niya nakalusong na ito.
"Paki-apply naman ng sunblock o..."
Tahimik niyang inabot ang lotion at sinikap na huwag manginig habang nilalagyan ang likod nito. Dati, pangarap niya lang na makita at makausap ng personal si Blake. Oo, naiinis siya dito, sinusupladahan at sinisimangutan niya. Pero karamihan doon, front niya lang. Ngayon, hindi niya lang ito nakikita at nakakausap, nahahawakan pa niya. Nahalikan pa nga.
"I guess that's enough," tumikhim si Blake at tumayo. "Thanks, Joeuanna."
Sumalampak siya sa puting buhangin sa lilim ng isang maliit na puno. Pinanood niya ang lalaking manaka-naka ay kumakaway sa kanya. Sarap nitong sapukin at talagang iniinggit yata siya. Napabuga siya ng hangin. Sana pala nagdala din siya ng extrang damit at nakaligo din siya ulit sa isla. "Makaidlip na nga lang."
Pero hindi niya magawa. Bumabalik ang pansin niya sa dagat dahil sa hindi maiwasang pag-alala dito. Napabuntung-hininga siya at kinausap na lang ang sarili.
Magpakilala ka na kasi.
Bakit pa? Antagal na noon, nakalimutan ka na nga e.
"Shut up heart and mind. Huwag kayong magdebate, let things be," aniya. Ngunit ang pumalit naman na eksena sa isip niya ay ang halik ni Blake. Inis niyang ginulo ang dati ng magulo niyang buhok. Parang wala lang naman sa lalaki ang nangyari. Magagawa niya rin iyon. Kahit papaano ay nakampante siya sa naisip, dahilan para makaidlip siya ng tuluyan.