“We’re here!” tuwang sabi ni Blake sabay lhad ng mga kamay na tila ba iaang napakagandang sorpresa ng hatid ng senaryo sa harap nila. “Oh ghad!” Awang ang labi na bulalas ni Joeuanna. Nakarating na sila sa dalampasigan kung saan naghihintay ang isang maliit na bangkang de motor. “Blake? Tutuloy ba talaga tayo ngayon sa lagay na 'yan?” Natawa si Blake sa reaksyon ni Joeuana. “Oh bakit? We’re almost there. Ngayon ka pa ba magba-back out? The island is just a fifteen minute ride.” “Pero malakas ang alon!” Napapantastikuhang sabi niya sabay atras. “Sigurado kang hindi tayo tataob niyan? You know, the island might not be in its best view dahil kakabagyo lang. Why don’t we go back? Or just stay here for now?” Luminga siya sa paligid. “Siguro naman ay may mahahanap tayong inn dito. Or we can g

