"Is this all?" tanong ni Blake pagkatapos maikarga ang huling maleta sa kotse nito. Nilingon ni Joeuanna ang bahay at saglit na nag-isip. "I think so. Gusto mo bang i-double check ko pa kung naiwan mo ang mga brief mo?" sarkastikong sabi niya. Blake chuckled. "Nah. I'm sure nakasama na iyon sa maleta." Pinagbukas siya nito ng pinto sasakyan at sinenyasang pumasok na. "I'll just double check kung na-lock ang bahay." Nasundan ni Joeuanna ng tingin ang lalaki. He looks fresh after his shower. Muli niya na namang naamoy ang paborito nitong shower gel. May hindi maalis na ngiti sa labi ang lalaki. And to be honest, he looks handsome wearing that smile. Pero ang isang bahahi ng isip niya ay bumubulong ng paranoia. Pakiramdam niya tuloy ay pinagtatawanan nito ang desisyon niyang sumama sa is

