Chapter 21 “Isa pa, may mom deserves to be happy. Ayoko lang makita siyang muli na umiiyak ng dahil sa pag-ibig. Kung hindi lang nagloko si dad, buo pa ang pamilya namin ngayon at hindi kailangan mangibang bansa ni kuya.” Pagpapatuloy niya pa. Bakit kaya ang mga tao pagdating sa pag-ibig kahit nasasaktan na, pinipili at tinuturuan pa rin ang puso na magmahal muli? Ganon ba talaga ang pag-ibig? Kailangang maranasang masaktan upang malaman na nagmahal ka talaga ng isang tao? Ang complicated ng pag-ibig, ngunit ‘di maitatanggi na masarap sa pakiramdam ang magmahal, at mahalin ng isang importanteng tao mula sayo. “Everything will be alright, Mayu. Just give Lesley time to think and accept his father’s decision.” Tugon naman ni Isabel habang inaalo ito. I can see how much she loved her m

