Chapter 11 I nodded as a response and she started the car engine. The whole ride was full of silence. Ni isa samin hindi na nag atubili pang magsalita. Hindi rin ako nakatulog sa byahe at patuloy lang na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Mayu. Ayaw huminto ng mga luha sa mga mata ko na kahit anong punas ko, umaagos parin ito. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa sarili ko o maiinis dahil masyado akong nag ooverthink sa mga nangyayari. Ngunit ayokong sisihin ang sarili ko dahil normal lang naman siguro mag-isip lalo na kung tungkol ito sa taong mahal ko. “Nandito na tayo.” Pagsasalita ni Mayu upang basagin ang katahimikan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng matipid at sinimulang buksan ang pinto ng kotse. “Mauna ka nang pumunta sa taas, alam mo naman yung passcode ‘di ba?” Sambi

