..a minute earlier
"Don't worry about the price. It's my treat. Okay din na minsan itreat natin ang sarili natin, tama?" He said while smiling as if assuring me not to worry about anything.
"Yeah, But…" I said while being conscious about how expensive it is, ngunit nabaling ang atensyon ko nang makita ko si… "Uy! si.. ano yon ah!" Napatingin namang muli sakin si Steve na tila nagtataka.
"Steve, wait lang ha. Sige upo ka na, balikan kita." I said while smiling. Wala namang nagawa si Steve at binitawan nalang yung kamay ko.
Diretso naman akong pumunta ng counter para batiin si Kuya Franco. Dito pala siya nagtatrabaho ngayon? Siguro part-timer sya dito. Susyal naman!
"Hi Kuya Franco!" Bati ko habang nakangiti sa kanya. Ang saya lang makakita ng schoolmate mo with the same course. Siya kasi yung tutor ko dati sa accounting, graduate na din sya. Waiting for Board Exam.
"Uy Kiara! Ikaw pala 'yan. Pero on shift ako e. Break ko after 5 minutes. Usap tayo mamaya. Mahigpit kasi dito." Bati nya habang bumubulong. Mukang kinabahan, buti walang naglilibot na General Manager. Haha.
"Okay sige Kuya!" I said and giggled.
"Uy, ano ginagawa mo dito?" Pagtatanong niya habang nakangiti, kinalabit niya din ako dahil nakatalikod ako sa kanya.
"Kakain syempre!" Tugon ko naman habang mahinang tinatawanan siya. "Kasama ko yung boyfriend ko, magddinner kami dito. Kamusta ka na?"
"Aba sosyal ng boyfriend mo, fine-dining pa talaga!" Bahagyang tawa niya. "Ayos lang naman ako, work muna habang waiting sa CPALE." Dagdag niya at ngumiti.
"Uy di ah! Pinag ipunan niya yan! Char!" Sabi ko naman. "Whoa! Di ka ba kinakabahan? Grabe! Goodluck kuya ha! Turuan mo ko ng technique paano pumasa." Dagdag ko habang tumatawa at pinapalo-palo pa siya sa braso. Naeexcite ako e!
"4 years kong pinaghandaan 'to, Kiara!" Bahagyang ngiti niya saakin. Kita mo sa kanyang mga mata ang pangangamba sa maaring maging resulta ng board exam. "Sana nga pumasa e!" Lakas loob niyang sabi sabay ngumiti ito.
"Syempre naman! I believe in you, Kuya. Saka kung di man palarin, mahusay ka pa din! Halos maperfect ko noon yung exam ko sa Intermediate Accounting dahil sa pagtuturo mo e!" Sabi ko naman para ma-encourage siya.
"Thank you! Balitaan kita sa result ng CPALE." Tugon niyang muli at ngumiti ng may sinceridad.
"Franco, ikaw muna mag serve 'don sa Table 7. Natatae na 'ko. Di ko na kaya!" Sabi naman ng co-worker niya habang nakahawak pa sa pwet niya. Haha! "Ay hala may kasama ka pala. Sorry!" Dagdag niya sabay nag peace sign saakin. Tumawa naman si Kuya Franco at sinenyasan ang lalaki.
"Si Steve 'yon, table namin kuya." Sabi ko naman at tumawa sa kanila. Nauna naman na akong pumunta sa table na 'yon.
Nadatnan ko si Steve na nagccellphone at binaba ito nang makita akong paupo na. Nakatingin siya sakin na tila nagtataka o naiinis. Dahil siguro iniwan ko siya. Napailing na lamang ako sa sa mga kilos niya.
"Who's that guy?" Pag susungit niya sa akin. Nakataas pa kilay niya. Parang ang bilis magselos ngayon ng boyfriend ko ah! Haha.
"Oh, that's Kuya Franco. ‘Yung kinuwento ko sayo dati na naging tutor ko." Sabi ko naman habang nakangiti.
I saw him sighed. At nag seryoso ang kanyang mukha. "Ikaw, sinong kachat mo?" Pagtatanong ko para inisin lang siya ng onti. Kanina pa yan e!
"No one. I'm just scrolling thru my facebook." He said. "Oh, really?" Sabi ko naman habang kunwaring nagtatakang tanong sa kanya ngunit nakangiti pa din. Nang aasar lang.
Ayoko na din mag isip ng kung ano. Malinaw pa sa tubig na kristal na mahal ako ni Steve.
..end of flashback
"I don't like that man." He said while looking away. Yung reaksyon niya talaga ang epic eh! Ang cute magselos ng boyfriend ko. Mas lalo siyang guma gwapo sa paningin ko. Haha.
"Why? He's so kind!"
"I just don't like him." Still not looking at me. "Are you jealous?" I asked him with a bit of teasing. "No. Why would I be jealous?" He replied then he looked at me.
"Alright then." I said then tease him more. Bigla rin namang may lumapit na waiter saamin kaya tumigil na rin ako. This time hindi na si Kuya Franco ang nag serve. Bumalik na ulit siya sa counter.
SA KOTSE. "Can you spoil a little bit where we are going?" I asked him while clinging to his arms. Papacute lang! Hehe.
"It's a surprise, Kiara." He said and then started the car engine. I pouted in his response and he looked at me while he's holding the steering wheel.
"Alright, we're going to Baguio." He replied calmly.
Ano daw? BAGUIO?!
As in ngayon?
"BAGUIO?" Nanlaki ang mga mata ko nang ikagulat ko ang sinabi niya. Grabe! Wala namang kung ano sa araw na 'to tapos BIGLAAN na pupunta kaming Baguio?
"Yeah. I already booked a hotel. I prepared everything." He said and sweetly smiled at me.
"Steve, that is too much!" I said. Ang gastos 'non! Ewan ko ba, dahil ata accounting student ako, mas lalo akong naging conscious sa mga ginagastos namin.
"Don't worry. What is the essence of money if we could not enjoy it?" He said and started driving. "Besides, it's just a bit of spending money." He then added.
"Okay, wala naman na akong magagawa kahit na sabihin ko pang iuwi mo nalang ako e. Preparado mo na lahat." Sabi ko naman at ngumiti ng bahagya.
"Kiara you deserve some time to relax. 2 weeks tayo naging busy sa acads because of our departmental exams. All you need to do right now is to enjoy our precious time together." He said and smiled sweetly. Hinawakan niya din ang mga kamay ko.
..after 5 hours of driving
"Kiara, wake up we're here." He said while waking me up. Hala! Nakatulog pala ako. Pagod din kasi ako e.
Nag unat unat naman ako at saka hinawakan ang mukha ko. Baka naglalaway na pala ako dito. Nakakahiya naman sa kanya.
"I'll get our things." He said at lumabas na ng kotse. Ako rin naman ay lumabas na din. Nagulat ako sa ganda ng hotel na binooked (booked) niya.
Simple ngunit elegante. May garden din akong nakikita mula sa entrance. Ang style ng hotel ay parang village type. Yung parang bahay sa America?
Tumalikod ako upang libutin ng tingin ang paligid. Ang ganda dito! Tapos ang lamig din! Ibang iba klima, di gaya sa Maynila. Kahit gabi ang init.
Nakita ko naman ang malaking tarpaulin. Welcome to Hollywood Hotel ang nakasulat rito. May nakalagay din na mga commercial building sa tarpaulin nito.
"Kiara, Here's the key. Open the main door, I'll just park the car properly." Pag-iinterupt naman sakin ni Steve kasi kanina pa ko tingin ng tingin sa paligid. Yung kinuha niyang unit ay may sariling garahe.
"Okay." I responded at saka kinuha ang susi sa kanyang kamay. Sinimulan ko na ring buksan ang pinto ng unit. Ang ganda ng loob! Shete!
Sobrang spacious para sa dalawang tao. Pang-pamilya ata 'to e! Una kong tiningnan ang restroom. Ang ganda din at ang laki din. Glass yung window niya at overlooking sa magandang bundok ng Baguio. Pero dahil madaling araw na, wala akong makita.
Maganda ito bukas for sure pag maliwanag na.
Nakangiti lang ako all the time habang nililibot ang unit. Two bedrooms din sya. Hindi ito typical na hotel na may isang bed, cr at yun na. Parang bahay na 'to e.
"Do you like it?" He said while hugging me from behind. "Ang ganda dito, Steve!" Maluha-luhang sabi ko. I felt a bit emotional. Parang kasing nakaramdam ako ang salitang pahinga dahil sa mga nakikita ko. Yung ambiance pa ng lugar ay nakaka-relax din. Sobrang nastress ako sa 2 weeks na puro review.
"We're going to use the master's bedroom." He said at humiwalay na sa yakap saakin. I saw him winked as he continued packing our stuff at naglakad na papasok sa loob ng tinutukoy niyang master's bedroom. Sinundan ko naman siya at naupo sa kama.
Oh my ovaries! I need to prepare! I laughed at myself thinking about what could actually happen here.
"When did you plan all of these?" I asked curiously. I am amazed at how he managed to plan despite our busy schedule. I am so lucky to have a man like him.
"1 week before our final exam." He stated. "One week lang?" I responded a bit surprised. "Yes, our itinerary is also prepared." He said and smiled back at me.
Lumapit naman siya sakin at itinayo ako para yakapin. My man is so sweet! I feel like crying.
"Kiara, I wanted you to know that I love you so much. I am willing to do anything for you. Sa totoo lang wala pa ito. Simpleng pagpplano pa ito." I felt he smiled and kissed my forehead.
"I love you too, Steve. Thank you for all of these." I responded sweetly and hugged him a bit more.
After a minute of hugging each other, "Let's get changed. Para maaga tayong magising mamaya." I said at humiwalay na kami ng yakap.
Nauna naman akong mag-ayos. Kinuha ko yung bag kung saan nilagay ni Mom ang mga inihanda niyang damit.
Nagulat naman ako sa mga lingerie sa loob nito. Hindi naman kami mag bbeach! Bakit may bikini pa at night gowns dito?
"Si Mom talaga." I said to myself. My Mom is also a tease! Sakanya ata nakuha ni Kuya Kian yung pang aasar eh.
I decided to take the black short shorts and I partnered it with a white plain shirt. Ipangtutulog ko lang naman ito. I proceed to our shared bathroom to freshen up myself.
Hay, grabe nakakarelax. Hot water pa. Parang gusto ko magtagal dito. After 20 minutes, I got out wearing a bathrobe. I saw my man sitting on the bed while looking on his phone.
Nakaramdam naman siya ng presensya ko kaya naman itinago na niya ang kanyang cellphone at saka tumingin sa akin. "You done?" He said and I nodded for response.
Nakakahiya, first time kong matapos maligo na kasama ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Nag-blush naman ang pisngi ko, at narinig kong bahagyang natawa sa akin si Steve at saka dumiretso na din na sa loob ng cr.
Ano kayang tinitingnan niya sa cellphone niya? HALA! Sana di niya binasa yung tweet ni Kuya! Nahihiya pa din ako pag naiisip ko!
I sighed.
Napagisip isip kong h'wag magbihis dito at doon na lamang sa kabilang kwarto mag bihis. Mamaya biglang lumabas si Steve, makita niya pa ako nang half naked. Nakakahiya 'yon!
Hindi naman sa di ako confident sa katawan ko, sabi nga nila sexy daw ako. Hehe. Pero nakakahiya pa din! Di pa naman kami kasal 'no!
Pumasok na ako sa kabilang kwarto at mas maliit ito kaysa sa master's bedroom. Pumunta rin ako sa kabilang cr para mag blower ng buhok. May nakita kasi akong built-in blower doon kanina habang naglilibot ako sa unit na ito.
Dala ko rin pala yung cellphone ko. Daming notification. Ngayon ko palang iccheck.
Nakita ko naman na may chat sa group chat ang mga bestfriend ko.
Bitches Groupchat
Active now
Mayu Austine: Did anyone see Kian’s tweet? YUNG KAIBIGAN NATIN DALAGA NA! Di umuwi ng bahay assjdhjshkkk
Stacy Chloe Prieto: Ang ingay netong bebe ni Kian! Tigilan mo nga kakastalk don
Mayu Austin: SHUT UP CHLOE!
Lesley Jane Romero: HALA WEH? Prepared ba ang bruha? Dapat pala nag pamper tayo kahapon!
Agatha Luis Morietto: Yes, I also saw the tweet. I prefer f**k n release. Bare manhood is much pleasurable.
Maria Isabel Gomez: SS NIYO NGA b***h!
Mayu Austin: Luh? Tamad mo naman magbukas ng twt! Tulog pa!
Stacy Chloe Prieto: Here, (*sends the screenshot*)
Mayu Austin: potAngEna talaga neto ni Aga eh! HAHAHAHAHA alam na alam!
Agatha Luis Morietto: b***h, si Kiarra lang virgin dito. Duh!
Maria Isabel Gomez: hOY viRGin pa kooooooooo!!!!!!!
Mayu Austin: Teka di nagsseen ang bruha baka gumagawa na yon ng milagro asshdhahahahdjkkkll
Nakakaloka talaga 'tong mga 'to! Paano kasi sanay sa ONS e! Pati ako tuloy nadadamay.
Nasapo ko naman ang noo ko. At bumalik na sa master's bedroom. Tapos na rin si Steve maghalf bath suot ang kanyang black hoodie and black sweatpants. Ang hot niya kahit ganon lang yung suot niya. Paano pa kaya pag walang suot?
AY!!! Ano ba naman Kiara, ano ‘bang iniisip mo?
"Hey, we're going to sleep together in this bed. I hope it's okay with you?" He said a bit worried. He knows it's our first time sleeping together. Sana ‘di awkward.
"It's fine. Maybe we should start being intimate. We've been in a relationship for 2 years." I assured him that I understand the situation.
Parehas na kaming nakahiga sa kama. At first medyo awkward pa but we ended up cuddling together. He's caressing my hair and I just laid my head on his chest.
In any moment, I felt he's now sleeping. Maybe he's too tired from driving. Inayos ko ang sarili ko at saka tinignang mabuti ang kanyang mukha.
He's too handsome up close. His plump lips and pointed small nose, and his jawline. His skin is like vanilla for being quite pale and smooth. Oh damn, he's too good to be true!
"Do I really deserve you?”