Chapter 6
"Are you happy?" I added.
"What kind of question is that? Of course, I am." He responded and then chuckled.
"Do you think I'm not?" He questioned me as if he knew what I'm thinking.
"No, uh— actually, I was just wondering if you.."
"Wondering what, Kiarra?"
"If you regret spending more than 2 years of your life with me."
He smirks.
Well, will you blame me? I mean, Steve is hot. Most likely popular. He's also rich, and I am just ordinary.
Someone like him deserves better than I am. I know I'm acting cliche but it doesn't stop me from thinking and feeling this way.
At dahil sa magkaiba kami ng university na pinag aaralan, busy schedule na halos kumain ng oras naming dalawa para sa isa't-isa, this made me doubt our relationship. Minsan hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip nya, sa mga taong nakakasalamuha niya araw araw. Sa mga taong nakukuha ng attention nya.
Yes, I knew Steve loved me... He wouldn't prepare something like this romantic if he doesn't. And I trust him, but trusting him will be enough for me not to doubt and wonder?
"Look Kiarra, I know I made this clear to you that I see my future in you. Why wonder things like that? I am happy to spend more years with you." He assured me— again.
"Naisip ko lang kasi, hindi tayo katulad ng iba na— alam mo 'yon yung laging nag uusap at nag uupdate araw araw. Tapos madalas wala tayong time para sa isa't-isa. Nakakaya nga nating di mag usap ng dalawang linggo e." I said disappointed with myself.
This is just way too immature.
"What do you want me to do then to ease your doubt?" And he holds my hand.
"Di ko alam, Steve. I don't want to pressure you into doing immature stuff like updating this and that. I trust you and we know that studies comes first. We have a future to chase on." Hay, I could probably say that this is just me being emotional and being unreasonable.
"I know but you're also important to me. If you want me to update my whereabouts every day, I would do it. If you want me to make time with you every day, I would gladly do it. That's how much I love you, Kiarra."
My gosh. This man is too perfect. I really shouldn't doubt it. Damn. "I'm sorry, Steve." I responded as if I am ashamed of myself.
"Nah, it's okay. I want you to open up your feelings with me. Share everything what’s on your mind." He smiles.
"I guess, I'm just being emotional about dealing with 2 weeks of preparing for finals." I said and chuckled a bit.
"Well, I think so too." He smiles and hugs me tight.
"Do you wanna cuddle? Coz' I miss you so much." He added sweetly.
It's been 2 hours since we cuddled and watched some Netflix series. The clock strikes at 00:30. At hanggang ngayon gising na gising pa din ang diwa ko habang si Steve, natutulog na ng mahimbing sa tabi ko.
I looked at him as if I'm examining his facial features. Damn, this man is so handsome. Di nakakasawang titigan.
Pinikit ko namang bigla ang aking mga mata ng naramadaman kong gumalaw si Steve. Naalimpungatan ata. I felt him staring at me even if my eyes are close and then he kissed my forehead.
Kinilig naman ako sa ginawa niya, pero syempre di ko pinahalata 'yon. Kunyari tulog ako.
Naramdaman kong bumangon si Steve. Binuksan ko ng kaunti ang mga mata ko, he's reaching for his phone in the side table at saka tumayo.
He's going to make a phone call?
Lumabas na ito sa kwarto at naupo naman ako ng tahimik sa kama.
Sinong tatawagan niya ng ganitong oras?
Lalabas na sana ako para sundan siya ng bigla namang bumakas ang pinto.
"Hey love, did I wake you up?" Sambit ni Steve saka binaba ang phone mula sa kanyang tenga.
"Yes…No, I mean— kanina pa ako talaga ako gising. Di ako makatulog e." I replied honestly and scratched my head.
"You can't sleep? Do you want to do something?" Lumapit na sakin si Steve at umupo sa tabi ko.
"Not really. Gusto ko lang makatulog na."
He chuckles. "Let's go to bed, then."
Hinawakan niya naman ang kamay ko at saka sabay kaming humiga muli sa kama. Hinagkan niya rin ako at saka patuloy na hinihimas himas ang hibla aking mga buhok upang ako’y antukin na.
"Sinong tinawagan mo kanina?" I randomly asked. Gusto ko lang malaman kung sino 'yon. Ayokong mag isip pa nang kung ano kung pwede ko naman na tanungin na ngayon.
"Yun ba? Well, my friend just asked me something about our research." He said. I just formed an 'oh' and nodded in his response.
Nang ganitong oras? His partners are maybe studious.
A moment of silence echoed throughout the whole room. We were just hugging each other and as I looked at Steven’s eyes, he might fall asleep anytime. Mukhang napagod sa gala namin kanina.
Then I randomly speak again to break the silence. "Kahapon, habang bumabyahe ako papunta sa Mi Casa may nag add sakin na kapangalan mo. I checked it and it has posts from 2012? I guess?"
He just stared at me as if he didn't know what I was talking about. Para bang may malaking question mark sa mukha niya.
"Can I see?" He responded. "Let me get my phone." Bumangon ako at saka inabot ang cellphone ko sa side table. Naramdaman kong bumangon na rin si Steve at saka muling naupo sa kama.
Hinanap ko naman sa friend request yung nag add sakin at pinakita ito sa kanya.
I saw his eyes widened, and then made a serious face. He grabbed my phone, at saka tiningnan mabuti ang mga nakapost doon.
It is in public so you can see the posts there. There were lots of tagged pictures with his friends. Maybe they were his high school friends?
"It's my account. But I forgot the password since then. So, I created a new one that I'm currently using right now. I didn't know this was active?" He said and tilted his head.
"Probably someone wants to troll you?" I responded worriedly.
"I don't know. Just don't accept it. I don't know this account anymore." He said and brought back my phone.
"Don't mind it." He added.
I hummed as a response. "Let's sleep?" Pag aaya ko naman. Humiga naman si Steve saka ako niyakap ng mahigpit.
"I love you, sweet dreams." Then he kissed my forehead.
09:41 AM. We're now at the car ready to go back in Manila. Nakakain na rin kami at nakapag empake na.
["Mom, I'm sorry that I didn't go home last night. Pauwi palang kami ngayon."]
["Ok lang anak. Sinabi sakin ng kapatid mo na nasa Baguio daw kayo. Kamusta naman?"]
I called my mom for an update. Di kasi ako nakapag paalam nung nakaraan.
Akala ko naman mag-wworry si Mom sakin, pero it turned out that she understands everything.
["Ok naman po, masaya. Ang lamig, gusto ko yung klima dito. Sana ganito din sa Manila. Hay."]
Narinig ko namang natawa si mama sa kumento ko. ["Mainit talaga dito Anak. Kayo ni Steve, kamusta? Nakita mo ba yung lingerie na nilagay ko jan sa bag mo?"] Pagtatanong nito sabay tawa ng kaunti.
Uminit naman ang pisngi ko. Did my mom just tease me?
["Mom, what are you talking about?"] Nakakahiya.
["Joke lang, Anak. Buti nga inilabas ka ni Steven. Nakita ko rin kasi kung gaano ka kastress sa finals mo. Kaya mas mabuti rin na mag unwined kayong dalawa. Di ko nga pala sinabi as Dad mo. Nasa New York naman e, di naman niya malalaman."] She said and laughed. Strict kasi si Dad.
Kaloka talaga 'tong si Mama. Nasapo ko naman ang noo ko sa sinabi niya.
["Haynako, Mom. Ang kulit mo talaga. Anyway, may pasalubong kami. Madami."]
["Alright. O'sha sige, Ako'y aalis pa. Ingat kayo ha. I love you, Anak.]
["I love you too, Mom. Take Care."] Then I ended the call.
"Nagalit ba si Tita?" Pagtatanong ni Steve habang nag-ddrive.
"No, inaasar pa nga ako e." Tugon ko naman. Nakita ko namang natawa siya.
"Ang palabiro talaga ni Tita no? She's cool." Then he smiled.
"Opposite ni Dad." I randomly utter.
"Yeah, you're right." He chuckles.
IT'S A VERY LONG DRIVE. Nakauwi ako ng alas tres ng hapon sa bahay. Hinatid ako ni Steve at umalis na rin siya kaagad. May aasikasuhin daw kasi siya with his dad.
Its now Sunday, so basically wala si Kuya sa bahay. Malamang nasa mga friends niyang ulupong 'yon.
"Hello iha. Good Afternoon." Manang Nora greeted me. Nandito ako ngayon sa kitchen. Inaayos ko sa pantry lahat ng pagkaing pinamili namin ni Steve sa Baguio.
"Hello po." I smiled at her. "May mga peanut brittle po dito, gusto niyo po ba?" Pag aalok ko naman.
"Sige iha, mamaya nalang. Kamusta ang Baguio Trip niyo ni Steven?" Pagtatanong nito.
Lahat ba ng tao sa bahay alam na nag baguio kami?
"Okay naman po, masaya. Ang lamig po ng klima sa Baguio." Tugon ko naman. Nahihiya ako kasi baka ano isipin nila. Nag outing lang naman talaga kami.
Nakita ko naming ngumiti siya. "Yung kuya mo, e, tawa ng tawa kagabi dahil magkasama daw kayo sa iisang kwarto ni Steven." Sabi pa nito habang natatawa ng kaunti.
Hala! Anong kabaliwan na naman ba ang pinagsasabi ni Kuya?
Manang Nora is closed with us. Parang pamilya na rin ang turing namin sa kanya.
"Baliw po talaga 'yon si Kuya, kung anu-ano na naman pinagkkwento."
"Kesyo naglagay daw siya ng condom sa bag mo. Ano ba 'yon iha? Ano yung condom?" Muntik na 'kong masamid. Umiinom pa naman ako ng tubig. Walangya talaga si Kuya, di manlang ifilter ang bibig!
Nag aalangan naman akong sumagot. Syempre matanda na si Manang Nora, hindi pa siguro ito uso sa panahon niya. "Wala po 'yun Manang. Wag niyo po pansinin yung sinabi ni Kuya, loko loko lang po talaga 'yon."
Gusto ko talagang hambalusin si Kuya! Kung anu-ano pinagsasabi! Kainis.
"Hi baby sister!" Nagulat naman ako sa pagkakatawag sa akin.
Oh, bat nandito 'to si Kuya? Walang gala?
Lumapit naman ito samin at niyakap si Manang. "Good Afternoon po." Ngumiti naman si Manang sa kanya.
"O'sha paglutuan ko kayo ng meryenda." Sambit ni Manang Nora at tinapik ang balikat ni Kuya Kian.
Tch. Nakakainis, bat ba ko may kapatid na katulad nito? Mang aasar lang 'to e!
"Kamusta ang Baguio Trip? Mukhang blooming ka my dear sister ah!"
Haynako. Inirapan ko siya.
"Tigilan mo nga ako Kuya. Naiinis ako sayo ha."
"Sorry na. Dinelete ko na nga yung tweet ko e. Di mo ba nakita?" Tugon nito at lalapit sana saakin ng ambahan ko naman siya ng kamao ko.
"Chill, grabe ang brutal mo naman! Bakit kay Steven 'di ka ganyan?" Sabay tawa. Kinuha niya din yung isang lenggua at binuksan ito.
"Uy Kiarra, nakauwi ka na pala?"
Luh?
"Jay?"
"The one and only." Sabi nito habang malaki ang ngiti. Kumuha din siya ng lenggua kay Kuya.
"Bat ba nandito kayo sa bahay?" Naiiritang sambit ko.
"Luh sungit mo naman! Di ka ba masaya sa outing niyo ni Steven. Yiie." Pang aasar nito habang parehas na tumatawa kasabay ni Kuya. May pagtalon talon pa na tila kinikilig.
Mga ulupong talaga! Sarap bigwasan!
"Ewan ko sa inyo!" Sabay irap ko sa kanila.
Binuksan ko naman yung isang lalagyan ng strawberries.
Hindi pala namin nakain ni Steve yung kambal na strawberry. Kinuha ko naman ito at saka kinain ang kalahati. Kainin ko na nga lang, baka masira pa 'to e.
"Uy strawberry!" Kinuha naman ni Tyler sa kamay ko yung kalahating kambal na strawberry at walang pasintabi na kinain iyon.
"Hoy akin ‘yan eh!" Sigaw ko sa kanya. "Bat mo kinain yan?! Kami ni Steve kakain niyan e!" Pagmamaktol ko.
Kainis na yan, ang daming pwedeng kainin yung kambal na strawberry pa!
"Ang damot mo naman! Ang dami dami naman niyan eh." Sabi nito habang tumatawa tawa kasabay ni Kuya.
"Yun na nga e! Ang dami dami tas yan pa yung kinain mo!" Patuloy na pagmamaktol ko.
"Hey dude! Tagal niyo naman bumalik. Saan na yung drinks?— Oh, Kiarra nakauwi ka na pala."
Kuya Miguel?
Bat ba ang daming tao dito sa bahay?
"Hey, laro na tayo ng overwat— oh Hi Kiarra."
Kuya Marco?
"Nandito kayo lahat sa bahay?" Sambit ko na tila nagtataka.
Sunday ngayon, they're probably chilling somewhere. Anong meron? Tch. Kairita naman, 'bat sa bahay pa?
"Yeah, we're chillin in here." Boring na boring na sagot ni Kuya Elijah. Isa pang kaibigan ni Kuya. “Nakakatamad kasing bumiyahe sa madalas naming pag tambayan e.” Dagdag pa nito.
Napabuntong hininga na lamang ako. Buong squad ata nandito. Si Steve lang wala.
"Nasan si Steve? Diba magkasama kayo?" Tanong naman ng isa, kalalabas lang mula sa gameroom. Si Kuya Gray.
"Nakauwi na po. Saka may lakad daw po sila ni Tito Stephen." Mahinahon kong sagot. Syempre mas matanda parin sila sakin kaya ginagalang ko sila.
Kay Kuya lang talaga hindi.
"Oh, I see." Tugon naman ni Kuya Gray.
"Sunday ngayon ah, may lakad si Boss Steve? Apakabusy naman pala!" Natatawang sabi ni Kuya Kian.
"Huh? E'diba nasa Paris si Tito Stephen?" Kuya Miguel uttered.
"Yeah, I think so. Also, our dad is with his dad. May business trip daw don e. Gusto pa nga ako isama. Tch." Iritableng sagot naman ni Kuya Marco.
Paris?
"Well, I don't know. Maybe his dad got back?" Sagot muli ni Kuya Miguel.
Kung totoo man 'yon? So, Steve just lied to me?
IT IS NOW 8PM, and I'm stuck in my room. Sila Kuya naman nandon pa din sa Gameroom. Ang ingay nga nila e, rinig kahit nandito na 'ko sa taas.
Kanina ko pa iniisip kung imessage o tatawagan ko ba si Steve. Gusto kong tanungin kung nasan siya, o kung anong ginagawa niya. Simula noong hinatid niya ako dito sa bahay ni hindi manlang siya nag text o nag update manlang.
Sabi niya kagabi he will update me his whereabouts?
I sighed.
Ayoko na ngang mag isip. Ilang beses na akong nag ooverthink sa relationship namin ni Steve. Kung tatanungin ko naman siya, he'll just prove to me how much he loves me.
Mamaya mapagod na 'yon kaka-explain sa akin.
Trust your man, Kiara!
Nagulat naman ako nang may kumatok sa pinto ko. "Sino yan?"
"Pinakapogi mong kaibigan." I sighed. Si Tyler lang pala. Siya lang naman yung walang pakundangan na nagsasabi na pogi siya e.
"Oh, bat nandito ka?" Bungad ko sa kanya ng binuksan ko yung pinto.
"Oh, bat ang sungit mo?" Pang gagaya niya sakin na may halong pangaasar.
"Ano bang kailangan mo?" Iritable kong sagot. Ewan ko ba, wala ako sa mood makipag socialize ngayon. Nasaan ba kasi si Steve? Hay.
"Uh, yung notes mo pahiram sana." Mahinahon nitong sagot na tila nahiya bigla at kumamot sa ulo.
Oo nga pala, yung notes. Na guilty naman ako sa pag susungit kay Tyler.
"Sorry." Sambit ko, saka naman tumungo sa bag ko para kunin yung notebook ko sa Tax. Inabot ko na rin ito sa kanya.
"Sorry, hindi lang kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Kuya Marco at Kuya Miguel kanina." Pagdagdag ko.
"Ah yun ba? Baka naman nakauwi na talaga si Tito." Sagot naman nito. "Naghihinala ka ba?" Dagdag pa niya.
"Hindi ko alam, Jay. I just don't want to act like a clingy girlfriend. Isa pa, malaki tiwala ko kay Steve. Hindi naman siguro siya nagsisinungaling saakin?” Tugon ko na may halong pangangamba.
"If that's the case, why do you even doubt it in the first place?"
That question got me off guard.
Oo nga naman, kung malaki tiwala ko kay Steve, bakit ako mag iisip ng ganito?
Did he really lie to me? Sabi nila malakas kumutob ang mga babae.
"I don't know, I just—"
"Trusting your partner isn't enough. Don’t you think so?" He spoke.
What does he mean by that?
"What do you mean?"
TO BE CONTINUE...