Chapter 2 "The Battles Begin"
TRISTAN'S POV:
NARITO ako sa office ni sir Jo at napag-alaman kong hindi lang siya basta major teacher kundi isang councilor.
"So?" panimula ko.
"Tristan wala ka pa ding pinagbago, mas lumala ka pa!" galit niyang turan.
"Cut the sermon. Just tell me the punishment.?" matapang kong turan.
"You're so rude. Gusto mo ba makarating sa daddy mo ang mga ginagawa mo?" banta niya.
As you can see, hindi lang kami basta magkakilala dahil ninong ko ang kaharap ko.
"Go ahead ninong, tell him!" hamon ko “tutal wala naman siyang nakitang tama sa akin diba? Pwes paninindigan ko na”
“Because you are such a stubborn kid!, hindi mo masisisi ang dad mo dahil iyon ang pinapakita mo ngayon!"
“Get to the point. What's the punishment?" pag-iiba ko ng usapan.
“Ibang klase ka talaga Tristan, wala ka ng kinikilala” inilabas niya ang papel at binigay sakin.
“What does it mean?" pagtataka ko.
“You're suspended for one week"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinuran niya at pinilig ko ang ulo ko.
“No way, ninong naman!"
“You need to be disciplined son, I'm sorry”
“Pero nong, this is too much. Hindi ba pwedeng mag-general clining na lang or anything?" pag-hirit ko.
“Are you going to deal with it or I will tell you're dad about this?”
“Pero mahahalata din ni dad kahit di mo sabihin dahil hindi ako papasok"
“Edi diskartehan mo, tutal loko-loko ka naman diba?"
"Pero ninong!"
“Hindi porket inaanak kita eh, pagtatakpan kita"
Wala akong nagawa kundi pumayag sa kasunduan, labag man sa loob ko ay pinirmahan ko ang papel na ibinigay ni sir Jo, I mean ninong.
How do I hide this?
Humanda ka Chad, nagkamali ka ng kinalaban and I can see that you suffer a cost for this.
CHAD'S POV:
PALABAS na kami nina Crescendo at Lawrence galing ng library para tapusin ang project sa foreign language, nang biglang lumitaw si Jack na pawisan.
Halatang pagod siya dahil sa pagtakbo at nagmamadali.
“Saglit lang mga bay, huwag muna kayo lumabas ng campus" banta nito at hinintuan namin.
“But now that our classes are over, it's time for us to go home.” ani ni Crescendo na bakas ang pagtataka sa mga mukha nito.
“Alam ko pero delikado eh” may takot sa boses ni Jack.
“Teka, ano ba talagang problema Jack? Tapatin mo nga kami?" kompronta ni Lawrence.
“Si Tristan, inaabangan nila si Chad sa labas ng school” nagulat kami tatlo at nagpalitan ng tingin.
“Narinig ko ang usapan nila at mukhang malaki ang galit ni Tristan sa iyo dahil na-suspend siya ng one week at ikaw Chad ang tinuturo niyang dahilan" salaysay ni Jack.
Aminado akong kinakabahan ako dahil ito ang isa sa kinaiingatan ko, ang masangkot sa gulo o away.
“OMG, anong gagawin natin?" natatarantang sabi ni Lawrence.
“We have to escape.” kabadong sabi ni Crescendo.
“Pero paano naman?” tanong ni Jack.
“Iyan ang hindi natin alam” ani ni Crescendo.
Tahimik lang akong nag-iisip ng plano para takasan si Tristan habang aligaga ang tatlo.
“Pwede ko kayong tulungan” boses mula sa likuran at isa-isa kaming lumingon.
Si Dave pala iyon at nakapamulsa.
“Dave” sambit ko.
Lumapit sa amin si Dave.
“Salamat Dave, pero paano?" tanong ko.
Ayokong umuwing may bangas dahil bukod sa huhusgahan ako ni tito Enrique ay mag-aalala ng husto si mama, baka atakihin pa.
“Sundan niyo ako” utos ni Dave at tumalima kami.
Alam kong walang kasiguraduhan ito pero may tiwala akong hindi kami ipapahamak ni Dave dahil alam kong mabuti siyang tao.
Aminado akong weird si Crescendo pero di hamak na mas weird itong si Dave.
Sa hinaba ng paglalakad ay nakarating kami sa likod ng paaralan.
“Sa totoo lang, second year college na din ako dapat ngayon pero huminto ako, dahil tulad niyo ay biktima din ako bullying” anito at lumakad muli kami.
“At dito ko sila tinatakasan” at nakita namin ang matataas na damo. Nasaan ang daan dito?
“Nasaam ang daan?" tanong ni Lawrence.
“Is there's a portal?" sabi ni Crescendo.
Binatukan siya ni Jack at sinabing “Magtigil ka dong, wala tayo sa animi world”
“Its anime, not animi” pagtatama ni Crescendo sabay smirk.
Hinawi namin ang matataas na damo at doon ay nakita namin ang maliit na lagusan o butas na kasya ang isang tao.
Pinasok namin ang butas na iyon at nakita namin ang malawak na playground.
“Woah!” turan ko dahil sa pagkamangha.
“Playground, ang ganda!” pagkamangha ni Jack at walang lumabas na salita sa bibig nina Crescendo at Lawrence.
“Salamat Dave ah” aniko at ngumiti lang siya.
“Wala yun, naiintindihan ko kayo. Isa pa may iki-kwento ako” aniya at tumahimik kami at umupo sa isang bench.
“Naging schoolmate ko si Tristan noong senior high at hindi siya ganyan” na halatang may dissapointment sa tono ng boses nito.
“Correction, schoolmate lang at hindi naging classmate” panunupla ni Lawrence.
“Pero magkatapat kami ng room” sabi ni Dave.
“Maniwala kayo sa hindi pero hindi ganyan si Tristan. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa kanya para maging ganyan kasama” ani ni Dave na halatang may lungkot sa mga tinig nito.
“Paano mauna na ako ha” paalam nito.
“Oh siya, mag-ingat ka ah” aniko at ngumiti lang siya sakin.
“Ikaw din, see you tomorrow” aniya at lumayo na.
“Ang ilap naman ng isang iyon” ani ni Lawrence.
“Pero kahit weird siya atleast maasahan natin siya” sabi ko naman.
Naglalakad na kami papuntang sakayan ng biglang may humarang na lalaki sa harapan namin na pumukaw sa atensyon ko.
Medyo hunks body, maputi, pinkish lips at may kapal na balbon sa may patilya at bilugang mga mata at may dimples siya.
Aminado akong na-attract ako dahil ang tingkad ng ngiti, pakiramdam ko tuloy bumibilis ang t***k ng puso ko.
He's wearing black leather jacket at kapareho ng uniform namin.
“Okay ka lang tol?" tanong ng lalaki at walang lumalabas na tinig sa bibig ko.
Nagulat na lang ako ng may bumatok sa akin.
“Aray naman!" reklamo ko at sinapo ang batok ko.
“Ano sis, kanina ka pa tulaley diyan?" sita ni Lawrence.
“Ahm excuse me po, schoolmate I just want to give you this” at inabot ko ang binibigay niyang flyers.
MOTOR RACING SHOWDOWN?
“Hopefully makanood kayo, schoolmates!” nakangiti niyang pag-anyaya.
“Pupunta ako promise" ani ni Lawrence na excited pa, landi talaga.
“This is cool. I'll be there” sabi ni Crescendo.
“Mukhang masaya ito at first time ko makakanood nito, sasama ako.” ani ni Jack.
“Ikaw din, gusto kitang makita doon” sabi niya sakin sabay kindat.
Natuod ako sa kinatatayuan ko at pinanood siya papunta sa motor niya, ngumiti siya at kumaway na sinasabing aalis na siya.
Sinuot niya ang helmet at pinaandar ang motor nito.
Naramdam kong may sumundot sa tagiliran ko kaya't napaatras ako.
“Ayyiieee.. crush mo ano?” sita ni Lawrence.
“Crush agad eh kaka-kita ko lang” aniko at umiling.
“Ehem, yaoi is real” ani ni Crescendo.
“Kung hindi mo crush bakit napako ka yata sa kinatatayuan mo” ani ni Lawrence.
“Malay mo, love at first sight" dugtong ni Jack.
“Mga baliw, tara na sumakay na tayo pauwi” anyaya ko.
“Ayyiiee, Chad namin inlove na” pang-aasar ni Lawrence.
“Yun sana. Yyiieeee" paggatong ni Jack at napangiti ako.
“Mga baliw" sabi ko at pumara ng jeep at iniwan sila
“HOY, INTAY!" anila.
TRISTAN'S POV:
ILANG oras na ang lumipas kakaintay namin sa exit mula sa gate ay walang nagpakitang Chad. This is impossible, dito dumaraan ang bawat estudyanteng lalabas pero bakit hindi ko siya nakita?
“Anong oras na pero wala pa ding Chad na lumabas" sabi ni Chris.
“Oo nga tol, imposible namang makatakas iyon” pagtataka ni Kim.
“Hindi siya pwedeng makatakas, gaganti ako!" gigil kong turan.
“Hindi kaya nagteleport iyon?" sabi ni Chris.
“Sira, baka nakagawa siya ng paraan na hindi natin alam. Matalino si Chad, kaya nga nakapasok siya sa scholarship ng school diba?" mungkahi ni Kim
“Oo nga ano, pahirapan pala makakuha ng scholarship sa school na ito, besides madami pang rules and regulations” sabi ni Chris.
“Tulad ng pakikipag-away nakuh, automatic tanggal kaagad ng sustento” sabi ni Kim.
“That's why he scare to fight us” aniko.
“Alam mo Tristan, tara na. Natakasan na tayo nun kanina pa” sabi ni Kim
“Damn, I want to punish him!” galit kong sabi.
“Tsaka tol, madadagdagan lang ang atraso mo” paalala ni Chris.
“Alam mo instead na pag-aksayahan natin ng panahon si Chad, mabuti pa mag Jollibee na lang tayo” pagyaya ni Chris.
“Sure tara” sabi ko.
[Inside of Jollibee Store]
Habang umoorder ako ay pumukaw sa atensyon ang magandang crew na inorderan ko.
“Hi sir jolly afternoon, order po nila?" tanong nito at hindi ko maiwasang ma-attract sa kaniya.
“Ahm, S5 po tapos pa-upgrade na yung drinks sa coke float” aniko “Padagdag na din ng medium fries ala cart”
“Repeat order lang po, 1 S5 spag with burger steak upgrade to coke float ang drink and additional 1 medium fries"
Tumango ako at tinawag niya ang order and at si sinuklian niya ako at ng makumpleto ang order ko ay nginitian ko siya.
“Thank you miss” at umalis na ako papunta kina Chris at Kim.
Kumain kami at nagkwentuhan at muling napalingon ako kay ateng cashier, ang ganda talaga niya.
“So kumusta ka ngayon Tristan?" tanong ni Chris
“Natural badtrip, gusto kong gumanti” sagot ko.
“Nakuh tol, bawian mo na lang pagbalik mo” suhestiyon ni Kim.
“Yeah, I know that” aniko at sumipsip ng float.
“So what's the plan?" tanong muli ni Chris at napabuntong hininga ako at tumingala sa kisame.
“Hindi pwede malaman nila dad na suspended ako” naiinis kong turan.
“We can help you, tropa tayo okay” sabi ni Chris.
“Alam mo dahil one week ka namin hindi makakasama, magpakasaya tayo” sabi ni Kim.
Hindi ako nagkamali na sina Chris at Kim ang pinili kong samahan kaysa sa dati kong fraternity, ang Black Stars na pinamunuan ni Jade Dominic, ang ex bestfriend ko.
------
“Your almost late” pagbungad ni dad sa'kin ni dad ng buksan ko ang pinto.
“We have many activities” matamlay kong sagot.
“Activities like what?” ramdam ko ang pag-iinsulto sa boses niya
“Riot, basagan bungo, picking girls. Tell me, anong kalokohan na naman?” he always judging me.
“Dad hanggang ngayon ba ganyan pa din ang tingin mo sa akin?” napalakas ang boses ko
“I left my frat for so long!” paalala ko.
Sa totoo lang mula noong nalaman ni dad na sumali ako sa fraternity, hinold niya ang 18th gift ko na kotse.
“Tristan, please don't waste everything. Dont ruin your life” aniya at napailing ako.
“Gumawa ka naman ng makabuluhan” natawa ako.
“I did dad, hindi niyo lang nakuhang pahalagahan” bulong ko.
“Ano, pakilakasan nga” pagtataas niya ng boses.
“I said I'm tired, let me rest” sabi ko at iniwan na siya.
“Kinakausap pa kita huwag kang bastos!" sigaw ni dad at hindi ko pinansin.
“Honey, Tristan, ano na naman ito?" tanong ni mommy na nakasalubong ko pagbaba ng hagdan.
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako.
“Iyang anak mo, walang modo!" bulyaw ni dad at tinignan ako ni mommy.
Syempre si daddy na naman ang tama at ako ang mali, nothing change.
Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong uri ng pamilya?
Ang hirap abutin ng expectations nila.
Pagpasok ko sa kwarto ay umupo ako sa bedside at ginulo ang buhok ko.
Napatingin ako sa lamp side at nakita ko ang picture namin ng babaeng minahal ko, si Lallaine ang ex girlfriend ko.
Actually I can't considered her as my ex dahil hindi kami nagbreak, ang problema nga lang.
Iniwan niya ako ng walang paalam matapos ang moving up noong grade 10 kami.
Hindi na siya nagparamdam at hindi ko na alam kung nasaan siya.
Nagkakilala kami sa fraternity ng Black Stars at ng mahulog kami sa isa't-isa ay sabay naming iniwan ang frat.
But lost in an instant.
*TOK, TOK TOK*
[Someone's Knocking]
"Tristan anak?" its mommy's voice.
“Yes mom?" I asked at binuksan niya ang pinto.
“Need anything?" matamlay kong tanong.
“Just a reminder, our family gathering is this week." paalala ni mommy.
Natawa ako sa sinabi niya?
Does she hear herself?
“Hahaha. Wow, kasali pala ako sa pamilyang ito?" Isaid sarcasticly then I chuckles.
“Anak, dont be rude.” saway niya at pinilig ko ang ulo ko.
Ngumiti ako ng mapakla “Okay fine, wala naman akong nagagawa diba? So you can leave me now” aniko.
Puminta sa mukha niya ang pagkadismaya at sinarado niya ang pinto.
Bata pa lang ako, pakiramdam ko wala akong lugar sa pamilyang ito, naturingan pa akong panganay.
Minsan iniisip ko na lang, ampon lang siguro ako. Mas mahalaga pa nga sa kanila ang katulong kesa sa akin eh.
CHAD'S POV:
MAG-ISA lang ako sa kwarto at nagre-review ng mga notes ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“Ano na Chad, hanggang kailan ka mag-aaral diyan?” mariin akong napapikit, si tito Enrique na naman.
“Hindi ka manlang makatulong dito sa bahay, ni hindi mo maasikaso ang mama mo” sumbat pa niya at tiniklop ko ang notebook.
“ Heto na po tito, pasensya na” inayos ko ang mga gamit ko.
“Tito, tito, tito!” he blows a deep breath
“The f*ck Chad, hanggang kailan ka ganyan? Kailan ba tatak sa kokote mo na ako na ang tatay mo?” bulyaw niya at pikalma ko ang sarili ko.
“S-sorry po” as usual ako ang mag-aadjust sa kanya.
“Puro ka na lang sorry. Kailan ba tatatak diyan sa kokote mo ng patay ang tatay mo!"
Those words break my heart at na-blanko ako kaya't speechless.
“Oh ano pang tinatanga mo diyan? Wag mo ako artehan at puntahan mo na ang mama mo” ma-awtoridad niyang turan.
Umalis ako sa kwarto ko at sinunod si tito Enrique, tungkulin ko pa din si mama dahil siya na lang ang mayroon ako ngayon.
----
“Ma, hindi ka na naman kumain?" iritado kong turan habang minamasdan ang pagkain sa plato niya.
Itinapat ko ang kutsara sa labi niya at umiwas ito “Wala akong gana” matamlay niyang sabi.
“Ma, kung ganyan ka mas lalong magiging malala ang sakit mo!” sermon ko.
Humugot ako ng hininga
“ Nag-away na naman ba kayo ni tito?” mahinahon kong tanong.
“Oo anak at ang pagtawag mo ng tito sa kanya ang dahilan” kumunot ang noo ko at tinignan si mama
“Naiinsulto siya sa pagtawag mo ng tito dahil parang nababalewala ang kasal namin” paliwanag ni mama.
Muling tumulo ang luha ni mama at nanlambot ang puso ko.
Hindi ko kayang umiiyak ang nanay ko dahil iyon ang isa sa kahinaan ng isang anak.
Ang makitang lumuluha ang nanay nila.
Hinawakan niya ang kamay ko at humikbi
“Alam kong mahal na mahal mo ang papa mo at hindi mo siya kayang ipagpalit” she sniffed
“Dahil nakikita ko iyon anak pero anak. Kita mo naman ang sitwasyon namin ni Enrique diba?” halos karalgal na ang boses niya.
“Hindi na kami makakabuo pa dahil hindi kami match pagdating sa fertilization, at kung makabuo man kami ay masyadong delikado para sa kundisyon ko ang muling magdalang tao dahil sa sakit ko” paliwanag niya st pinawi ang luha sa pisngi.
“Bakit hindi mo kayang tignan ang tito Enrique mo bilang ama?” tanong niya na hindi ko masagot.
Umiwas ako ng tingin kay mama.
Ayaw kong sirain ang relasyon nila ni mama dahil isa si tito Enrique sa nagpapalakas ng loob ng mama ko at siya na lang ang dahilan para magmahal muli ito.
Pero hindi ko maatim na maging ama ang katulad niya.
“Hindi ko alam nay pero...” ngumiti ako ng mapakla “... Para sa'yo, susubukan ko”
Yinakap ako ni mama at hinagod ko ang likod niya “Salamat anak”
Pwede ko naman siyang ituring na ama pero hindi sa paraan ng pagtawag at pakikitungo ko kay papa Enrico ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap.
“Sige na ma, kumain na kayo ng mainom niyo na ang maintenance niyo” aniko at ngumiti ito.
-----
KINABUKASAN. . .
Matapos ko magbihis ay nag-paalam ako kay papa.
“Papa, alis na ako. Bantayan niyo si mama” aniko at hinaplos ang litrato niya.
Lumabas ako ng kwarto para magpaalam kay mama.
“Ma, alis na ako ah” aniko at hinalikan siya sa pisngi.
“Ang saya ng gising mo ah” sita nito at napangiti lalo ako.
Masaya ako dahil wala si Tristan sa school at magiging payapa ang dalawang linggo ko.
Nakita ko si tito na nagbabasa ng bulletin, malamang wala siyang duty sa kampo.
“Alis na po ako, tit-- I mean t-tatay” arrg, ang awkward naman nito.
Napalingon siya sa akin ng kunot ang noo at tumango na lang at bumalik sa pagbabasa.
“Mag-ingat ka nak, galingan mo” paalala ni mama at kinindatan ko siya.
Sumakay na ako ng jeep papunta ng school.
Habang umaandar ang jeep ay nahagip ko ng tingin ang blue and black combination na motor. Hindi ba't siya yung lalaking nagbigay samin ng flyers sa playground.
---
Pagpasok ko ng classroom ay napansin ko ang nagkalat ng flyers sa trashcan.
“Pre, siya ba yung Knight Gray Delis Reyes?”
“Oo pre grabe, ambangis niya”
“Oo nga pre tsaka ang tikas ng datingan”
“Grabe boy, lodi na toh. Sana manalo”
“Naman, BMUP student yata yan”
“Chad, chad halika dali” pagtawag nina Lawrence at tinungo ko sila.
Napansin kong tinitignan din ako nina Chris at Kim ng masama at hindi ko pinansin.
“Teh grabe, hindi expected na sikat pala yung nag-abot satin ng flyers, yung cru---" binatukan ko si Lawrence dahil baka kung ano na namsng lumabas sa bibig nito.
“Aray. Ang sakit naman nun!” reklamo niya.
“Ano na naman kasi yun ha?” naiinis kong tanong.
“Ayun na nga. Yung nag-abot lang naman sa atin ng flyers ay walang iba kundi si Knight Gray Delos Reyes, ang sikat na hunks motor racer at heto pa, kahit sa kabilang university pinagkakaguluhan siya” salaysay ng baklang chismosang si Lawrence.
“Tsk. Ano namang paki ko sa matabang cute na iyon” inis kong turan.
“Gaga, inamin mo din na cute siya” ha? Sinabi ko bang cute ang isang yun?
“Tsaka hindi mataba ang tawag sa pangangatawan niya kundi macho, hunks or sexy body” anito at umirap.
Natapos ang klase at puro si Knight ang pinag-uusapan nila.
Don't tell me nababading na yung ibang boys sa kanya?
Matapos ang klase ay magkakasabay kaming lumabas nina Lawrence, Crescendo at Jack tulad ng nakagawian. Nahiwalay lang si Dave dahil may aasikasuhin sa back subject.
Hindi namin inaasahan na haharangin kami ng mga kaibigan ni Tristan, sina Chris at Kim.
Nagkaharap kaming lima.
“Sa palagay niyo papalampasin namin ang ginawa niyo?" matapang na sabi ni Chris.
“Chris please, ayaw ko ng gulo” pakiusap ko.
“Bakit natatakot ka ba?” panunukso niya.
“Wag kayo mag-alala, nagsisimula pa lang kami.” banta ni Kim.
“Pwede ba itigil niyo na ito, daig niyo pa ang highschool sa pagdi-discriminate nyo ah!” protesta ko.
“Tsaka bakit ba ang sama niyo sa amin? Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo ah.” protesta ni Lawrence.
Bakas pa din sa boses niya ang galit dahil sa pang bababoy sa kanya ni Lawrence.
“Because we want to clear this university of s**t like you! ” ani ni Kim.
“Dirty s**t, hahaha what a word?” ani ni Lawrence
“Sabihin mo nga kung mayroon pa bang mas nakakadiri sa lalaking pinagsamantalahan ang isang bakla para paligayahin ang sarili niya?"
Hindi ko inaasahang si Lawrence pa mismo ang mag-oopen ng issue nito at bakas sa mukha ni Kim ang pagkapahiya.
Marahil umurong ang dila niya dahil hindi agad naka-rebat.
“Anong pinagsasabi niyo? Hey, we won't ever waste our masculine qualities for a queer person like you.” pang iinsulto ni Kim.
“Really, why don't you ask over it to your asshole friend?” ani ni Crescendo at nagkuyom ang kamao ni Kim.
“ANONG SABI MO?" galit na turan ni Kim.
Akmang susugurin ni Kim si Crescendo. Mabuti't inawat ito ni Chris.
“Come and fight me, peasants” hamon ni Crescendo at pumipiglas pa din si Kim.
“Wag mo ako pigilan tol!” sabi ni Kim.
“Tol kalma, nasa loob pa tayo ng campus” saway ni Chris.
“Come on, come to me loser asshole” pang-aasar ni Crescendo at tumatawa pa.
Pikon na pikon naman si Kim.
“Alam mo labo sumusobra kana eh, baka hindi ako makapagtimpi at ako ang sumapak sayo” matapang na banta ni Chris.
“Stupid. Who's afraid of those bastards asshole?” sabi ni Crescendo, hindi talaga papa-awat.
“Papalampasin ko ito but remember this” ani ni Chris habang tinatago sa likod ang kaibigan “This is just a beginning”
Kinabig niya ang kaibigan niya palayo, marahil ay takot itong mapahiya.
“Wag ka matakot Chad, nandito kami at karamay mo” sabi ni Lawrence.
“Together, we can beat those asshole” sabi ni Crescendo.
“Pero ayoko masira ang scholarship ko at ayokong madamay din kayo” pag-aalala ko.
“Magkakaibigan tayo kaya't ang laban mo ay laban din namin” sabi ni Jack.
“Salamat pero labanan natin sila pero hindi sa dahas, bagkus sa ibang paraan” sabi ko.
“Alam mo sis, masyado kang mabait” inis na sabi ni Lawrence.
“Dahil iyon ang turo ni papa” nakangiti kong turan.
Umiling na lang sila at sabay-sabay kaming nagtungo sa sakayan.
to be continued. . . .
-----
Ano na ang kahihinatnan ng buhay ni Chad sa pinapasukang paaralan?
A B A N G A N . . .
[ Chapter 3: “The Victims” ]