"I'm sorry..." Nilingon ko si Ric. "Pang-ilang sorry mo na ba 'yan? Hindi mo kailangang mag-sorry sa bagay na hindi mo naman ginawa at wala kang kontrol." I saw him sighed. May ilang gatla sa noo n'ya at para talaga s'yang problemado. Alas cinco na ng hapon at nandito na rin kami sa bahay namin. Inihatid n'ya ako rito matapos ang klase namin kaninang alas cuatro y medya. Akala ko nga ay hihintayin ko pa s'yang matapos sa ginagawa n'ya ngunit mas nauna pa s'ya kaysa sa akin. Inuna ko kasi ang pakikipagtsismisan kina Sab kaya hindi ko napansin ang message n'ya kanina. At kanina pa rin s'ya humihingi sa akin ng sorry dahil sa ginawa ni Maria Clara. Mula nang tanggalin n'ya ang kamay ni Maria Clara sa braso ko ay hindi na s'ya tumigil sa kahihingi ng tawad. Kahit pa nga ilang ulit ko nan

