Chapter 51- Our Ring

2361 Words

Nag-sign of the cross muna ako bago bumalik sa pagkakaupo. Napangiti pa ako nang makitang nakaluhod pa rin si Ric habang nakapikit at taimtim na nananalangin. Tumingin ako sa unahan at pinagmasdan ang simple ngunit magandang ayos ng altar. Maganda ang istilo niyon at maging ang mga kasangkapang nandoon ay nakapagbibigay sa akin ng saya at kapanatagan. Linggo ngayon at narito kami sa simbahang malapit sa subdivision namin. Tinanghali na kami kaya hindi na namin naabutan ang mga misa ngunit dahil plano talaga naming magsimba ay itinuloy pa rin namin. Ang alam ko kasi ay puwede namang bisitahin ang Diyos anumang oras. Nakabukas lagi ang tahanan n'ya para sa mga taong gustong makipag-usap sa kanya at humingi ng gabay. Hindi na sumama sa amin ang mga kaibigan ko dahil babawi raw sila sa tul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD