Chapter 15- Mr. Pitcher

2999 Words

Ngiting-ngiti ako habang tinatanggap ang mga pagbati ng mga schoolmates ko. Hindi na nga iyon natanggal buhat kanina. Hindi rin ako napapagod kakangiti dahil masaya talaga ako. Hindi ko in-expect o plinano pero hindi ko rin inakalang magiging masaya ako sa pagkapanalo ko. Achievement unlocked, Gabriella! “Congratulations ulit, Gab!” Nakangiting lumapit sa akin ang isa sa mga miyembro ng Cheerleading Club ng eskwelahan. “Sofia!” I hugged her. “Thank you!” “Nasaan na nga pala sina Letticia?” Bahagya pa akong nagulat nang makitang wala akong kasama sa kahit isa sa mga kaibigan ko. Siguradong may kung ano na namang pinagkakaabalahan ang mga iyon. Baka nangha-hunting ng mga guwapong Sophomore. “Nako, hindi ko alam. Kanina lang ay kasama ko sila. Baka naghahanap na naman ng mga guwapo ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD