Chapter 8- Tangled

1285 Words

Iyong pakiramdam na tila tumigil ang lahat, iyon ang nangyari. Walang kumilos o nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita man lang. Nakatigil ang lahat na parang nilukuban ng kung anong hipnotismo. Pakiramdam ko nga ay nakalimot pang huminga ang ilan. Sino ba namang magkakalakas ng loob na magsalita sa sitwasyong ito? Hindi lang kung sino ang nalagay sa katatawanan, si Ricardo iyon! Napangiwi ako nang gumalaw ang kamay ni Ric at pinunasan ang pisnging nanlalagkit dahil sa icing. Bumakas pa ang mga daliri n'ya sa mukha dahil sa kapal ng icing na kumapit doon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko o kung may dapat ba akong gawin ngayon. Sinulyapan n'ya muna kami bago huminto sa akin ang kanyang paningin. Nakapag-peace sign pa ako bago walang sabi-sabing tumalikod ang lalaki. Saka pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD