Medyo masakit pa ang ulo ko nang lumabas ako sa sasakyan ni Conrad. Coding kasi ako ngayon kaya sinundo ako ng lalaki para sabay na rin kami sa pagpasok. "Salamat sa ride, Con." Bahagya pa akong sumandal sa sasakyan n’ya pagkalabas. Ilang sandali rin akong pumikit para kahit paano ay kalmahin ang pagpintig ng ulo ko. "Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok ngayon?" May pag-aalala sa boses n’ya. Isa ito sa dahilan kung bakit pinagbigyan ko s’ya sa hiling n’yang manatili kaming magkaibigan kahit na hindi maganda ang kinahinatnan ng relasyon namin. Dahil bukod pa sa magkaibigan na talaga kami bago pa man kami nagkaroon ng relasyon ay dahil na rin sa pagiging mabuting tao ni Conrad. He’s still a jerk but he’s aware of that. Hindi katulad ng ibang siraulo na lahat na yata ng kagaguhan sa mun

