Iginawi ni Greg ang ulo sa itinuro ng babae. Halos madurog ang sarili niyang mga ngipin nang makita ang isang lalaki doon. Balot na balot ang ulo nito at katawan, at ikinakaway sa ere ang hawak niyang sniper rifle. "Mga hayop talaga kayo! Bakit niyo 'to ginagawa sa'min!" "Well sa totoo lang pwede naming patayin si Stef anytime, anywhere. Pero mas maganda kung magdurusa muna siya emotionally, and sooner mentally dahil napahiya siya sa kasal niya!" Sabay tawa ng babae. "Kayo ang mga baliw! Tandaan niyo hahanapin ko kayo para ipakulong kayong lahat!" 'Kung makikita mo pa kami. Kaya kung ako sa'yo Greg, sumunod ka na lang. Dahil wala ka namang choice. Alam mo 'yan!" "Paano ako makakasiguro na hindi niyo gagalawin si Stef!" "Basta pumayag ka lang na 'di na sisipot, mabubuhay si Stef. That

