They arrived in Wigo’s safe house in Zurich, Switzerland. Isang malawak na mansiyon na napapalibutan ng magagandang tanawin at malawak berdeng kapaligiran. Kakababa lang nila sa chopper na pinagdalhan sa kanila at pasado umaga na rin iyon. Kahit ramdam na niya ang antok ay hindi niya magawang mapapikit dahil sa labis na pag-aalala sa anak niyang nasa kamay ng mga kriminal. Nakikita niya ang ibang mga armadong tauhan na naroon at hindi niya alam kung sino-sino ang mga ito. Base sa mga uniporme nitong nakalagay NA police at ang iba naman ay naka-civilian lang. Noon niya napagtantong hindi basta-basta sina Wigo at Rendell. Kanina naman pagkababa nila ng airplane ay tumawag na ang mga kidnapper at ang usapan kung paano nila dadalhin ang pera in cash. Napag-usapan din kung paano sila magkiki

