A FEW MONTHS AFTER… PAROO’T PARITO na lang si Riexen sa Pilipinas upang kumustahin ang kaniyang ama at ang turn over ng limang ospital na ipapamana sa kaniya. Dahil tanging siya lang ang tagapagmana ay isinakripisyo niya ang kaniyang oras para dito. Mula rin ng mga araw na iyon ay hindi na sila muling nagkita ni Rendell at hindi na siya nito kinulit pa. Tanggap naman niya na hanggang doon na lang ang lahat. Pagdating niya ay agad na may tumawag sa kaniya upang imbitahan siya sa isang binyagan. She drove her car going to an exclusive village which the christening of Raven and Kreisha’s child held. Natutuwa siya sa dalawang mag-asawa dahil hindi siya nakalimutan ng mga ito. Pagdating niya ay may ilang mga kotse ang nakaparada sa tapat ng bahay nito. Bago siya umalis pabalik ng Switzerland

