MADALING ARAW na ngunit naiwan naman sa kumpulan sina Trina, Kinne at Georgette sa pool couch kung saan nakaupo ang mga lalaki kanina. Sila na rin ang umubos ng mga alak doon dahil nakainom na ang mga nakaupo roon kanina. “H-Hay, bakit hindi maubos-ubos ang laman ng whisky na ito, eh, kanina pa ako nagsasalin sa baso. Nakakainis!” sambit ni Trina na hindi na diretso ang pagsasalita nito dahil sa lango na sa alak. “Me too,” dagdag ni Georgette. Ipinilig nito ang ulo kay Kinne. "I am so exhausted and wasted. And... and..." “Tumigil na nga kayong dalawa. Hindi lang kayo pinapansin ng dalawang iyon, mukha na kayong talunan. Cheer up, girls! Ibangon niyo ang bandera ng mga kababaihan,” wika ni Kinne sa dalawa. “Kinneeeeey. K-Kanina ko pa napapansin na panay ka na lang cell phone. Until thi

