DALAWANG LINGGO na ang nakalipas, hindi na muling nagpakita sa kaniya si Rendell at tanggap na ni Riexen ang katotohanang tuluyan na itong lumayo sa kaniya. Kahit lumipas na ang mga araw ay mas lalo siyang nasasaktan sa desisyon niya. Nasa kwarto siya ng kaniyang ama at tinutulungan na niya itong makasampa sa wheel chair dahil ipapasyal niya ito sa garden sa ground floor. “Riex, kailan ba ako makakauwi ng bahay?” tanong nito habang nakasakay na ito sa wheelchair. “Dad, kailangan mo pang manatili rito para sa mga laboratory test. We need to secure your health at baka magkaroon na naman ng disorder ang pagdaloy ng dugo mo,” paliwanag niya habang tulak-tulak niya ang wheelchair. “I’m bored. Gusto ko ng umuwi sa bahay natin at makalanghap man lang ng sariwang hangin.” “Kaya nga tayo pupu

