KATATAPOS lang ng shift niya sa pagbabantay ng kaniyang ama at nagliligpit na siya ng mga gamit niya upang umuwi na. Nakaramdam na siya ng pagod at sumasakit na ang kaniyang likod sa maghapong nakaupo at paminsan-minsan sumisilip sa kaniyang ama nasa kabilang room lang. Nakatingin siya sa pambisig na relo at pasado alas-otso nang gabi. A moment later, she receives a call from his Tito Jeron. "Yes, Tito Jeron?" wika niya sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag. "Riexen, we have an important patient and we need your help! Darating diyan ang chopper na maghahatid sa iyo patungo rito! Magmamadali ka na!" "Huh?! What do you mean, Tito Jeron? H-Hindi ko kayo—" Busy tone na ang narinig niya sa kabilang linya nang ibaba ito ng kaniyang tiyuhin. "s**t!" Napamura siya saka nagmamadaling kum

