Chapter 4: Tension

2113 Words
Someone’s POV “Are you two out of your minds?!” Sigaw mula sa isang matinis pero sopistikadang boses. Pabalik-balik siya sa sala na animo’y may kung anong makati sa katawan. Inaalo naman siya ng isang lalaki na mukhang kahati niya sa kaniyang buhay at pilit na pinauupo sa upuang malambot na mahaba. “What’s so wrong with what he did Mom?” Singit naman ng isang maarteng boses. “It might affect the development of their relationship for crying out loud!” Huminga pa siya bago bumaling sa isa pa nilang kasama sa bahay na parang wala lang ang nangyari. “And you, you should not have tolerated your sister’s bratty attitude. You are just starting, do not spoil our plan. Please!” “Mom, relax. I have it under control,” kalmadong sagot ng lalaki at tumayo upang pakalmahin ang kaniyang ina. “Make sure of it boy! Do what is tasked on you!” Nagdadabog naman na umalis ang dalagang anak at umakyat sa kaniyang kwarto na wari mo ay nagmamaktol na naman. Shakira's POV A week had passed and I only made myself busy with my works in the office. I wanted to be distracted and want to clear my mind. Kasi tingin ko, iba na eh. Hindi naman kasi talaga ako ganito. I am not thinking of a guy for almost a week. If I will calculate, I just met him for just a month. Gusto ko na ba siya agad? I don’t even know him that much. Nakatulugan ko na pala ang pag-iisip. Ilang araw na kasi akong walang maayos na tulog dahil sa kakaisip sa kaniya. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang alas-tres na pala ng hapon. I am about to call Lanie for our snack when she called me first. “Hi Mam?” nananantya niyang bungad dahil siguro’y iniisip niya na tulog ako. “Yes Lanie?” “Ay Mam!” At mukha pa siyang nagulat. Diyos ko naman itong babaeng ito oh! Napapasobra na yata ang pagkakape niya. “Nandito po kasi sa labas si Mister Sebastian. Papapasukin ko po ba?” Mister Sebastian? Justine’s dad? In my company? Okay lang sana kung sa company ni Dad dahil client namin sila roon. Maybe he is planning on investing. Maybe. “Ah yes, please let him in,” I confidently said. Expecting it was Justine’s Dad, I stood up from my seat readying my welcoming smile for him. Una kong nakita si Lanie na binubuksan ang pintuan na mukhang kinikilig at kaniyang iginiya papasok si Mister Sebastian. Nang tuluyang makapasok ay saka ko lamang napagtanto kung sino talaga ang Mister Sebastian na tinutukoy ng sekretarya ko. He is holding a bouquet of roses with that killer smile on his face. Huwag kang ngumiti ng ganyan please. Isang lingo kang hindi nagparamdam sa akin tapos ngingiti-ngiti kang babalik dito. Ha! Hindi mo ako madadaan sa ganyan. But wait, ano Shakira Dennise, girlfriend ka ba para magreklamo? Natauhan lang ako nang mapansin na marahang sinasarado ni Lanie ang pintuan. I coughed fakely. “Hi! What can I do for you Mister Sebastian?” tanong ko pero hindi ko napigilan ang kalamigan sa boses ko. Tingin ko ay napansin niya iyon kaya unti-unti siyang lumapit sa akin na may panunuyo sa kaniyang mga mata. “Sorry, beautiful. I haven’t visited you for a while. I got busy from our company’s emergency situation but one thing I’m sure of is that, I never forget you even when I am busy.” Naginit na naman ang mukha ko dahil doon. Huwag kang bibigay. “It’s fine. Anyway, are you here for the updates of the project? Or for investment?” “No, no, no. I’m here for you baby.” Ha! Maka-baby ang lalaking ito. Akala mo naman ay madadala niya talaga ako sa mga ganyan niya. “If it’s not about business then for your information, I have loads of work here. I cannot entertain you Mister Sebastian.” There you go Shakirra Dennise. That’s who you are. A lady who’s prioritizing work, family and self over others. A sign of disappointment flashed on his handsome face but I have decided to guard myself. It is for my sake. “Please, after your work today. Here,” he said as he walks towards the couch meters away from my table. “I’ll just wait here. I won’t disturb you, baby.” Baby na naman?! At maghihintay talaga siya? Ha, yung plano kong alas-kwarto uuwi ay magiging alas-sais pa. bahala ka diyang maghintay. I regained my composure and sat on my swivel chair. “As far as I can remember, you are a busy person. Waiting here means wasting your precious time instead of working on your own business matters,” mahabang turan ko habang panaka-nakang nagbibigay ng sulyap sa lalaking ngayon ay busy na sa pamimili ng magazine na nasa center table. Feel at home ang lalaking ito. “Oh, stop. I already finished my work. In fact, the emergency I said last time would require two weeks or more but I put my all so that I can be with you. I’ve miss you a lot you know that.” Nakatitig pa siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Oh boy, huwag kang tumitig. Iyong mata niya kasi parang hinihigop yung t***k ng puso ko. Huminga pa siya ng sobrang lalim at sumandal. I saw him closed his eyes. “We just wrapped up everything at one in the afternoon and I took my lunch and went straight here. I’m so tired baby. I’ll just take a rest here while you’re working.” Bigla namang lumambot ang puso ko dahil doon. Naginit na naman ang mukha ko dahil tinapos niya talaga agad ang trabaho niya para lamang mapuntahan ako. I suddenly felt important. “Okay. Anyway, you can lay down and not just sit there. Rest well… Justine,” I said his name with a low tone. Shemay, ang dating ay parang lumambing pa ang boses ko. Nahiga na rin siya sa couch pero hindi na naman siya sumagot. Pagod nga talaga siya. Bumalik na ako sa trabaho dahil kung patuloy kong tititigan ang mukha ng lalaking kasama ko ngayon ay baka wala na akong magawa. Masyado na akong indulge sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pintuan ng office ko. Iniluwa noon ang kapatid ko na nakasuot pa ng kaniyang uniporme. Mukhang dumiretso rin siya rito pagkagaling sa school. Anong mayroon sa mga ito at dito pa talaga sa akin pumupunta? “Hi, my dear sister. Let’s have a date. Libre mo.” Dire-diretso siya sa akin at nang makalapit ay agad niya akong niyakap at pinugpog ng halik sa pisngi. Alam ko na, may kailangan ang lokong ito. Ni si Lanie, hindi na makapalag kapag yaan ang papasok. Hindi na iyan nagsasabi kung pwede ba pumasok o hindi. Baka nga hindi na naman nagpaalam ito sa secretary ko at basta na lang pumasok. “Anong kailangan mo? Busy pa ako oh, can’t you see?” “Wala, trip ko lang kasing kumain ngayon at magshopping.” “Trip mo? O tapos? Sinong magbabayad?” “Sino bang may trabaho sa atin ate?” Wala siyang trabaho pero napakalaki na ng pera niyan sa bangko. “May bago na namang labas na sapatos ano?” “Ha? Meron ba ‘te?” At nagmamaang-maangan pa talaga. “O siya, salamat agad Ate. Pahinga lang muna ako dito. Grabe, sakit ng utak ko ngayon. Information overload na kasi tapos yung isa pa naming professor grabe, napakadaming pinapagawa,” sabi niya na may halong paawa pa habang naglalakad papunta sa parte kung nasaan ang isa pang lalaking kasama ko. Oh My G! Ngayon ko lang naalala na may isa pa pala akong kasama na nagaaya rin magdate. Napatigil siya ng makita ang lalaking mahimbing na natutulog sa couch. Napatabon siya sa bibig niya na akala mo ay gulat na gulat. Ang mga singkit niyang mata ay nanlalakihan. “Bakit narito ang lalaking ito?” mahina niyang tanong. Nakilala niya na si Justine iyon dahil nagkita naman na sila noong kaarawan nito. Nag-ssh sign ako sa kaniya dahil baka magising. Pagod pa naman iyong tao. Dali-dali siyang lumapit sa akin at sinundot-sundot ang tagiliran ko. “Bakit narito yan? Diba crush mo iyan? ‘Yan iyong nagbirthday nung nakaraan diba? One of the Sebastian’s kids?” Sasagutin ko pa lang sana siya upang ipagtanggol ang sarili ko nang magsalita ulit siya. “Nililigawan ka ba?” Nililigawan nga ba ako? Wala naman siyang sinasabi. Sasagot sana ako na hindi nang magsalita ulit siya. “Hindi ka pa pwedeng magpaligaw. Dapat ako muna ang ligawan ng mga manliligaw sayo Ate. At saka ni hindi pa nga iyan nagpapakilala bilang manliligaw mo sa bahay.” Tuloy-tuloy niyang banat. “Saka nagpromise ka sakin Ate, you won’t entertain suitors until I graduate. You promised.” Nagmamaktol niya pang pahabol na akala mo ay batang ayaw mawala ang nanay niya. Hinila ko siya palapit sa akin at hinawakan sa magkabilang pisngi. “Love na love mo talaga si Ate ano?” Panloloko ko sa kaniya. Nakita ko ang pagirap niya sa hangin. “Ikaw lang ang baby boy ko, okay? At saka hindi naman nanliligaw iyang lalaking iyan sa akin. At kung manligaw man, ikaw ang unang makakaalam, okay?” Umirap lang siyang muli at sa swivel chair ko na naupo. “Let’s go na Ate. Iwan na lang natin siya rito.” Bigla akong napabaling sa kaniya dahil nagliligpit na ako ng gamit ko ng magsalita siya. “Seriously?” “Seriously.” He answered with conviction. “Oh come on, don’t be childish. Nagaaya nga pala siyang magdate kami kaya siya nandito. Sumama ka na lang sa amin.” “No way.” “Ayaw mo? Sure na iyan? Pipiliin ko pa naman sana ay sa mall nalang kami kakain dahil naroon iyong shoes na bagong labas.” Nagpaparinig kong ani habang inaayos ang gamit. Pasimple ko siyang sinilip. Nakita kong natigilan siya at bahagyang napaisip. I smirked. I know your weakness. “Who says I won’t join you two? Wake him up before it gets dark.” Dahil maga-alas sais na rin, lumapit na ako kay Zaff at naupo sa may paanan niya. Natuwa naman ako sa pwesto niya dahil talagang tuwid na tuwid ang katawan niya at ang mga braso niya ay magkahugpo sa ibabaw ng dibdib niya. Napakasungit ng mukha niya. Ang magaganda niyang labi ay bahagyang nakabukas. Ang sarap pagmasdan. Hindi ko alam kung paano siya gigisingin dahil napakahimbing ng tulog niya. Tumingin pa ako sa magaling kong kapatid upang humingi ng tulong pero ayon busy na sa kaniyang cellphone habang ang mga paa ay nakaapak sa lamaesa ko. Pinag-aralan ko muna ang mukha niya. Nakita ko rin ang malalim niyang eyebags. Mukha nga siyang puyat. Napababa sa may leeg niya ang paningin ko dahil napansin ko na may mole pala siya sa may bandang gilid ng leeg niya sa parting kaliwa. I like boys who have a mole on their neck. I don’t know but in my eyes, it makes them more attractive. I was like hypnotized by his mole that I almost caress it with my hand but halted when I felt a hand holding mine. Dahil sa pagfocus ko sa taling niya, hindi ko na napansin na gising na pala siya. s**t! s**t! s**t! Nanlalaki ang mga mata ko pero hindi ko nakitaan ng pagmamayabang ang mukha niya dahil nahuli niya ako bagkus ay ang namumungay niyang mga mata. Babawiin ko na sana ang kamay ko ng dahan-dahan niya itong dalhin sa kaniyang labi. Naramdaman ko ang lamig niyon kaya hindi na naman magkandaugaga sa pagkarera ang t***k ng aking puso. “Hey. Sorry, I slept much. Are you done?” “Ah-ahm yeah. Let’s go?” Bumangon na siya at napatigil din nang makita ang magaling kong kapatid na busy sa cp niya. Nang maramdaman ng kapatid ko na nakatingin kami sa kaniya ay napalingon siya s akin. “That’s your brother right?” Tumango naman ako. Tumayo na ang kapatid ko at lumakad patungo sa amin habang nakapamulsa. Nagmamayabang ang loko. “Hi. I’m Lester, her most handsome and sweetest brother in the whole wide world.” “Hi! We’re going out on a date. You can join us if you want.” “That’s why I’m here because today, is our day. I am also dating my sister.” Hindi ko alam pero may nararamdaman akong tensyon sa dalawang ito. “Then both of you will be my date okay? Fix yourselves and we’ll go.” _______________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD