“Tapos alam mo ba, sobrang natuwa yung investors sa mga designs na nakita nila, and they actually ask for the contract kahit hindi pa tapos ang presentation ko, and you kn- hello? Hello? On earth, Eli?”
Napatingin ako kay Ana nang hawakan niya ang kamay ko na nakapatong table namin, tapos na ang ceremony, tapos na rink anta ko, at kasalukuyan na kami na nasa reception venue, pero yung sinabi ni Jani, dala ko pa rin hanggang ngayon.
Ganon na ba talaga ko? Nag aasam na ba ko nang masyado, kaya ba hindi ako tumatanggi kapag may nag aay sakin, lalo na kung alam ko na Malaki ang pwedeng kitain ko don? Masyado na ba ko nagiging oportunista? Hindi na lang ba talaga pamilya ko ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho, para na lang ba talaga sa sarili ko?
“Ana,” tawag ko sa kanya, pero hindi ko na kailangan agawin ang atensyon niya dahil kunot noo na siyang nakatingin sa akin, “Oportunista ba ko?”
“What the fvck? Where the hell did you get that fvcking idea, Eli?” halata sa mukha at boses niya ang gulat dahil sa tanong ko, “May umaway ba sayo kanina habang wala ako?! Tell me, sasampalin ko kung sino man yan!”
Medyo tumaas ang boses niya kaya napatingin sa amin ang ibang guests, “Ana, calm down, tinatanong ko lang naman, wag ka mag react nang ganyan,” mahinang sabi ko, at hinila sya paupo sa tabi ko.
“Sabihin mo sakin yan kung kahapon lang kita nakilala. I know you, Eli; someone must have been told you that, hindi mo basta maiisip lang ang mga ganyang bagay,” halata na sa boses niya ang gigil, “You will tell me, or I’m going to find out who that son of a bish told you that idea,”
Bumuntong hininga na lang ako dahil wala naman akong kawala, lalo na kung gusto nya talaga malaman, she will always find ways, “Kanina kasi, nung hindi pa nagsisimula ang wedding, may lumapit na mag matandang babae sakin, which was mrs. Esther, sya daw ang lola ng bride, at nag request sya ng kanta na bagay daw sa boses ko, so ofcourse, I told her na okay lang,”
“Then?” she’s listening attentively,
“Then niyaya niya ko sa table nila mag asawa, at inalok kung pwede ako kumanta sa anniversary nila, syempre nagulat ako, nayakap ko sila,”
“And then?” uminom pa sya ng wine, pero hindi niya inaalis ang titig niya sa akin, “What happen after that?”
“Lumapit si Jani, yung wedding coordinator, and told me na wag ko daw pilitin abutin ang mga tao na katulad nang mag asawa dahil hindi ko kaya, makuntento na daw ako sa kung anong meron ako ngayon, at wag na daw mag asam nang mas mataas pa don,”
Diretso ang pagkakasabi ko, hindi ako nakakaramdam ng luha, pero nalalasahan ko sa bibig ko ang pait ng mga sinabi ko, na akala mo lason yon, na papatay sakin.
“Jani, hmm.” This time, kalmado na sya, at nakaupo na lang, habanag nakasandal, pinaglalaruan niya ang tip ng wine glass na ngayon ay nakapatong na sa table, “Don’t worry, I’m going to talk to her,” sabi niya at akma na tatayo pero pinigilan ko,
“Ana, ayoko ng away, kaya ko sinabi sayo yon, para lang alam mo, ayoko na sumali ka pa sag anon, mas kilala ka kesa sa akin, kaya hayaan mo na, totoo naman kasi yung sinabi nya,”
Parang lahat ng self-confidence na binuo ko nang ilang taon, nabasag dahil sa mga narinig ko sa isang tao, hindi ko na rin alam.
“No, I will not stoop that low for someone like her, and yup, mas kilala ako kesa sayo, pero mas kilala kita kesa sa kanila, kung meron man pwede lumait sayo, ako lang yon, walang iba,” sabi niya at tumayo, elegante siyang nag lakad papunta sa kinatatayuan ni Jani.
Kitang kita ko ang pag aliwalas nang mukha ni Jani nang makitang lumalapit sa kanya si Ana, halata sa mukha niya na proud sya, at tinignan ang mga katrabaho nya na nag sasabi na ‘Daig ko kayo sa kahit anong bagay’, pero hindi rin nagtagal ang ganon niyang mukha, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Ana sa kanya, tinapik sya ni Ana sa balikat, bago tuluyang umalis at naglakad pabalik sa table namin, pero si Jani, nakatulala lang, nagulat pa ko nang bigla na lang siyang umiyak at tumakbo paalis.
“There, done,” masayang sabi ni Ana nang makabalik sya sa table namin, “Told you, hindi ako mag eeskanadalo para sa mga tao na katulad niya,”
“Ano sinabi mo, bat natulala yon tsaka umiyak?” kunot noo na tanong ko, tsaka lumapit nang kaunti sa kanya,
“Sinabi ko na lasapin na nya ang gabi na to, kasi huling beses na sya makakapag trabaho bilang coordinator, hindi ko hahayaan na makapag trabaho sya ulit,” sabi nya at prenteng sumandal, “At kung iniisip mo na pwede pa sya mag apply, well yes, technically she still can, pero hindi na sa field na to, and take note that this is her dreame job, she always wanted to be a coordinator to every events especially this big kind of events,”
Bakit mo naman ginawa yon Ana? Sabi ko sayo hayaan mo na lang, paano kung may pamilya pa sya na binubuhay gaya ko?”
Tinaasan nya lang ako ng kilay, “No one will mess with my best friend, not in my sight,”
---
“Thank you everyone for coming and spending your day witnessing our speacil day with us,” sabi ng groom, tapos na ang kasal, halos anong oras na rin natapos dahil sa haba ng program, sobrang nag enjoy lahat, ako naman, ramdam ko na ang pagod ng lalamunan ko, Imbes kasi na fiteen songs, twenty three songs ang kinanta ko, halos wala nang lumalabas na tunog sa bibig ko, minamalat na ko, tapos malamig pa, kaya tahimik na lang ako.
Si Ana, umalis nanaman, babalikan nya daw ako, alam ko naman na busy talaga sya, simula kanina, ang dami nya talaga ginagawa, kahit nakatutok lang sya sa phone, natatawa tuloy ako, sya ang nagsabi na nandito kami para mag enjoy, pero sya ang panay trabaho, pero hindi ko naman sya pinipigilan, career nya yon, at masaya sya sa ginagawa nya kaahit pagod sya.
Hindi ko na ulit nakita sila mrs. at mr, Spencer, baka nasa ibang table na rin sila, at pauwi na ngayon, halos two o’clock na rin, pero hindi mababakas ang pagod sa mga bisita dahil masaya pa rin ang vibe, pinalitan na ng classical musics ang boses ko, dahil sinabi ko sa manager na hindi ko na talaga kaya, mukha naman naniwala sya, kasi halos hindi na ko makapag salita.
Nag text na lang ako kay Ana na maglalakad na muna ako, pagod lang ako pero hindi pa ko inaantok, hindi naman sya agad nakapag reply, kaya hinayaan ko na lang, baka busy pa yon, mababasa nya rin yon mamaya.
Halos thirty minutes na ako naglalakad nang mapansin ko ang isang mini bar, hindi sya bar na katulad nang nasa citadel, mukha syang restau-bar, hindi ako nag alangan na pumasok, sinalubong ako nang mabangong amoy nang lavender, my favorite scent, nakaramdam agad ako na kakalmahan, at umupo sa isang sofa, malayo sa entrance, ayoko maabala ako dito, gusto ko lang uminom ng kaunti para makapag isip, hindi ako titigilan ng utak ko.
Pero sa tingin ko iyon na yata ang pinaka maling desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko, hindi ko alam na matatapang pala ang alak dito, mali pala ako g order, dapat pala hindi na ako nag matapang at nag order na lang sana ng ladies drink, naloka ako.
Pagtayo ko, akala ko lumilindol, kaya umupo ako agad, masyadong matamis ang ininom ko, akala ko walang tama, nuon ko lamg nakita sa bote ang alcohol content nito.
Putsa.