“Ma’am, water muna po kayo and bread,” I muttered my thank you to one of the staffs na nag abot sakin nang tubig, naka tatlong kanta na ko, para sa mga guests, forty minutes pa bago simula ang wedding ceremony, mukhang live talaga ang gusto nila.
Fifteen songs ang kakantahin ko buong araw, kaya kailangan ko mag ready, dala ko ang mga gamit ko, pati na rin ang minti ko pati spray para hindi ako matuyuan ng lalamunan, mahirap na, baka hindi pa ko makakanta ng ayos,
Maganda ang venue, sobrang ganda I mean, puno ng bulaklak ang aisle, puti ang mga cover ng upuan at mga mesa, nag serve muna ng kaunting foods para sa mga guests sa naghihintay, hindi magutom sa buong ceremony, may white carpet din nap uno ng iba’t ibang klase at kulay petals, hindi mo aakalainna tao lang ang may gawa nito, ang galing talaga ng mga event designer.
Hindi ko pa nakikita si Ana buong araw, pero tumawag sya at sinabi na galingan ko daw, may kailangan sya i-meet na investor at kasalukuyan itong nandito sa isla, magkita na lang daw kami sa reception, at kaya ko naman mag isa, kaya hindi kailangan na samahan nya ko lagi.
“Miss Elina?” nag angat ako ng tingin nang marinig na may tumawag sa pangalan ko, nakita ko ang isang hindi pamilyar na mukha ng isang matandang babae, “I’m Esther.” Pakilala niya sa sarili at inilahad ang kamay, agad ko naman itong tinanggap.
“Eli na lang po, Miss Esther,” medyo kabado pa ko, dahil mukha siyang strict professor sa isang exclusive school, “What can I do for you po?”
“I’m the bride’s grandmother, and if you won’t mind, can I request a song, I think this will suit your voice, if it’s alright with you?” she was hesitant, na halos hindi ko mapaniwalaan, sobrang classy ng itsura nya, lalo na sa suot niyang pear white off shoulder dress, na tinernuhan ng gold three inches heels, ang buhok nya ay nakaayos na akala mo ay bumalik ka sa makalumang panahon, her overall look brings comfort to whoever she look at.
“Of course, any song po you would like me to sing, I can do that for you,” sabi ko at sunod sunod na tumango, inilabas niya sa purse na hawak niya ang isang cream scented paper at iniabot sakin, marahan ko naman itong kinuha, at napangiti nang mapag ano ang title nang kanta, abot langit na ngiti ang isinukli ko sa kanya, “I would love to sing this song for you, gusto nyo po ba na ngayon ko na kantahin?”
“No, you can take your short break, would you like to dine with us?” tanong niya at tumingin sa gilid nya, “That’s my husband, Arturo,” sabi nya at itinuro ang isang may katandaan na lalaki sa mesa, may dalawa pa itong kasama at mukhang masaya ang pinag uusapan nila, dahil hindi sila natitigil sa mahihinang tawa nila.
“Okay lang po ba? I mean, guests po kayo dito, at lola pa ng bride, singer lang po ako dito, hired singer po, baka hindi po kayo okay don,”
“Of course not, kanina ka pa tinatanong ng asawa ko, ngayon lang kami nag attend nang kasal ng mga anak at apo namin na nag hired ng singer na katulad mo, we would like to chat with you more, will you?”
Wala na rin ako nagawa nang marahan niyang iangkla ang kamay niya sa braso ko, ramdam na ramdam ko ang malambot niyang mga kamay na dumikit sa braso ko, parang porselana na hindi pwedeng mabasag or kahit magasgasan lang,”
ilang dipa lang ang layo nila sa table ko, napansin agad nang asawa ni mrs. Esther ang paglapit namin, sa pakiwari ko, pinaalis nya ang dalawang nakaupo sa mesa nila, para mag give way sa amin na paparating.
“Honey, this is Elina, ayan na kinuha ko na sya, pero wag mo masyado kwentuhan, baka di mamalayan ang oras at nagsisimula na pala ang wedding,”
Tumawa lang ang asawa niya at tsaka tumayo, “I’m Arturo,” pakilala niya sa sarili niya at inilahad ang kamay sa akin, agad ko naman itong kinuha, nakakahiya naman kung pag hihintayin ko sya.
“Eli na lang po, sir, nice meeting you po,” nahihiya na sabi ko, kung si mrs Esther mukhang eleganteng strikta, sir sir Arturo mukha naman businessman, yung alam nya kung nagsisinungaling ka sa kanya.
“Come, have a seat,” syempre, umupo ako agad, “You songs were lovely, would you like to sing for our anniversary?”
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, totoo ba? Iniinvite nila ko para kumanta sa anniversary nila? Hindi ba sila nagbibiro?
“Po?” hind isa hindi ko sila narinig, hindi ko lang talaga alam kung ano sasabihin ko, masyado pala syang straight forward, “Ako po, kakanta sa anniversary nyo?”
“Yes, don’t worry, hindi naman kami mapili sa kanta, but we can give you some suggestions para mas maappreciate nang marami ang set mo,”
Tinignan ko silang dalawa, hindi ko alam kung siguro dahil sabik ako sa pagmamahal ng mga matatanda, at nila papa at mama, kaya wala sa loob na nayakap ko sila pareho, halos tumulo na din ang luha ko, hindi pa ko nagkaron ng ganitong sunod sunod na trabaho, madalas nga small time raket lang.
Kumakanta sa mga fiesta, gig, bar, at hindi umaabot ng sampung libo ang ibinabayad sakin, pero ngayon, mga tao sa exclusive island ang nag yayaya sa akin, humiwalay ako agad nang marealized nab aka ayaw nila nang niyayakap sila.
“Hala, sorry po, sorry, hindi ko lang po talaga napigilan, pasensya na po kayo,” hingi ko nang paumanhin, mukha kasing nagulat sila sa akin, “Sorry po talaga,”
“No worries, so, can you sing for us?” tumango ako at ngumiti.
“Excuse me Mrs. and Mr. Spencer, we’re sorry to interrupt your good talk, but we need to excuse Eli, the ceremony is about to begin,” sabi ng coordinator, nang may ngiti sa labi, kaya nagpaalam na ko agad at sumama sa kanya, “Eli, a little reminder for you,” nagsalita si Jani, kaya humarap ako agad, “Stop sticking to people like them, masyado silang mataas, wag mo sila pilitin abutin, maging kontento ka na lang sa kung anong meron ka, wag ka nang umasa na may hihigit pa don, mind your own goddamn business,”
That left me heart broken.