Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas mula sa banyo. Nadaanan ko pa nga sila na sobrang tumatawa. Comedy yata ang pinapanood nila. Paakyat na sana ako nang bigla naman akong tawagin ni mama. "Nak? Baba ka ulit ha? Nood tayo ng movie day off mo naman bukas." Sabi niya. She's giving me her sweet smile. I declined her offer at sinabi kong matutulog na ako dahil inaatake ako ng migraine ko. Such a liar Trinity. Deep inside gusto kong subukan makisama sa kanila like everything's normal, like we're a normal family. But I guess, sadyang mataas lang talaga ang pride ko. Ewan ko. Matapos kong magbihis ng komportableng damit which is my usual pajamas and oversized shirts, nagtungo ako sa bintana nitong kwarto ko. For the past three months na nakatira kami dito sa bagong bahay ay lagi akon

