DINALA si Eli ng kan'yang mga paa sa bungad ng dining room. Mula sa kan'yang kinatatayuan ay kan'yang napagmasdan ang ginagawa ni Gavin. Bigla ay naikunot niya ang noo nang marinig ang boses na nanggagaling sa cellphone nitong nasa ibabaw ng kitchen island. Bawat sinasabing instruction ng lalaki sa kabilang linya ay siyang sinusunod ni Gavin. Laking pagtataka niya dahil malinaw sa kan'yang alaala na magaling magluto ang lalaki. Kaya bakit kailangan nitong humingi ng tulong patungkol sa pagpiprito ng isda? Hanggang sa nagpasya si Eli na isandal ang sarili sa hamba ng pintuan nang marinig ang sunod-sunod na pagmumura ni Gavin. "Why this is so f*****g so hard?" Natitiyak niyang kung ibang tao ang naririnig niyang magmura ay baka ilang beses na siyang napadasal. But why does it sounds so s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


