“Pose like this, Eli!” hindi ko alam kung ano plano gawin ni Ana sakin, pero ginawa ko na lang din, trip nya yon, walang makakapigil sa kanya, “Last one na, tapos we’ll eat na! come on!” I tried wearing my sweetest smile, nang makuha na niya ang gusto niyang pose, lumapit na agad sya sakin at pinakita ang mga nakuhanan niyang pictures.
So far, maganda naman lahat, gaya nang ineexpect ko, “Can we eat already, Ana? I’m famished,” konti na lang talaga, mangangagat na ko ng tao, nag sisimula na rin ako mainis, nagugutom na ko, hindi pa ko kumain simula nang umalis kami, seventeen hours ang byahe namin, sino ang hindi magugutom?
“Okay, okay,” sabi niya habang tinitignan pa rin ang camera na hawak niya, ilang minute pa siya na nagtagal sa pwesto niya bago ako tinignan, at mabilis na inangkla ang kamay sa braso ko, “Let’s go, you want to eat seafoods, right? I know a good one!”
Alam na alam niya talaga kung paano ako pakakalmahin, umirap na lang ako at nagpahila sa kanya, hindi ko naman din kasi alam kung saan, it’s my first time here, and maybe my last, kaya dapat talaga sulitin ko na.
We went to an open restaurant, nagmukha na siyang baler dahil sa mga bamboo sa paligid, halos mga galing din sa beach ang kumakain, karamihan mga naka simpleng beasch suits lang, pero dahil aware ako sa yaman ng isla na to, baka mas mahal pa ang mga suot nila sa one week hospital bill ni mama.
Buffet ang kainan, naka food warmer lahat, kay nakakatuwa kumuha, hindi pumayag si Ana na kumain kami sa close or exclusive restaurant kahit kaya naman daw nya, well, pabor ako don, sanay naman ako sag anon, may kaya naman kami dati, pero mas gusto ko talaga na sa ganito kumakain.
Mas masarap at as free ka kainin ang gusto mo, and besides, I love seafoods, sobrang favorite ko to simula bata ako, dati, may kinakainan kami na fastfood hub, kami ang huhuli ng mga lulutuin namin sa fish pond, but that was the last moment I had with my papa, hindi ko naman alam na huli na yon, sana pala sinulit ko na.
“Hey,” napatingin ako bigla kay Ana nang marahan niya akong tapikin sa balikat, “You okay? You’re spacing out, kanina pa kita tinatawag.”
Tumango lang ako, “Naalala ko lang si papa,” she knew everything about my life, kaya hindi ko na kailanga tapusin ang kwento, alam na agad niya ang kasunod non.
“Oh come on, we’re here to enjoy, I’m sure tito is okay up there, kumain ka na lang dyan, two days na lang at event na, kailangan bago tayo umuwi, maikot natin ang buong isla, okay?” I nod, “Now, eat, saying naman, lalamig yan.”
Hindi na ko sumagot at binalatan na ang shrimp at inabot kay Ana, aware naman ako na hindi sya sanay kumain ng ganito, at pumupunta lang dahil dito ang kainan na gusto ko, she smiled sweetly at kinuha ang hipon tsaka isinawsaw sa sauce na kinuha ko kanina.
“Oo nga pala, kamusta na yung inapplyan mo sa citadel? Pasado na ba?” tanong nio Ana habang tinuturuan ko sya magbalat ng hipon nang hindi nasisira ang katawan.
“Hmm, babalitaan pa daw ako, hindi ako umaasa na papasa ako, grabe kaya mga kasabayan ko mag apply, galling pa sa magagandang schools, as in, tingin ko, hindi na aabot sakin yung page evaluate, mukhang may mapipili sila agad, dalawa lang ang hiring nila,”
“You know what, Eli?” tinaasan nya ko ng kilay, kaya kumunot angt noo ko, “Hindi ka talaga magbago bago no? simula talaga college ganyan ka na, bakit ba wala kang self-confidence? Like I mean, helloo, once the evaluator read your vitae? I bet, pag aagawan ka nila, marami at magaganda ang credentials mo, you don’t have to be mean to yourself.”
“Ayoko naman kasi umasa, takot ako ma-disappoint, puno nan ga ng disappointment ang buhay ko, dadagdag pa ba yung mga ganong bagay?”
“Jeez, you’re such a drama queen!” sabi niya, at binigyan ako nang nandidiring expression, “Two years yon diba, and maganda ang salary? Kung aalis ka, sino na magbabantay kanila tita? Do you want me to hire someone to look after tita?”
Umiling ako at uminom ng tubig bago sumagot, “Hindi na kailangan, nakausap ko na rin naman ang mga kapatid ko tungkol don, tsaka every six months naman uuwi ako, para sa one week na pahinga, kaya kahit paano makikita ko pa rin sila,”
“Are you sure?” she said, but she wasn’t looking at me, busy sya balatang ang crab, na itinuro ko sa kanya, “I mean, I can really do that for you,”
“Hindi pa naman sure na makakapasok ako don, pag usapan na lang siguro kung sakali na tawagan ako.” Mahirap din naman kasi mag decide pag hindi ka sure kung makakapasok ka o hindi, baka mamaya, plano ka ng plano, di naman pala matutuloy, nakakalunkot lang yon, sa totoo lang.
“Okay, whatever, saan mo gusto pumunta later?”
“Ikaw bahala, ikaw ang mas nakakaalam dito, wait, hindi ba natin makikita yung ikakasal? I mean, mas helpful kasi kung makikita ko sila, then malalaman ko ang kaunting background story nila para makapili ako ng applicable at magandang kanta para sa kanila, ia-arrange ko pa yon, para naman magustuhan nila, at masulit ang ibabayad nila sakin, ang laki kaya non,”
“Oh, we can, siguro later tonight, hindi ko pa rin kasi sila natatawagan, and mag enjoy ka muna, pwede ba? Sure naman na may work and may makukuha ka, kaya mag enjoy ka muna, minsan ka lang sumama sakin sa ganito, don’t spoil it, duh!”
Hindi ko mapigilan na matawa nang umirap sya, well, she’s right, minsan na lang naman talaga ako mag punta sa ganito, bonus na lang siguro na pwede ako mag bakasyon ngayon.
Might as well enjoy it, at baka hindi na rin naman maulit. Jeez, me and my negative mindset, I hate it, pero di ko maiwasan, nasanay na lang din siguro ako.