"Hey," "Namiss kita." She hug him more tighter and lean her head on his broad shoulder. "Sobra!" Miss na miss niya ito. Sobra pa sa sobra. Kung hindi niya napigilan ang sarili baka hindi lang yakap ang ginawa niya. Baka dinamba na niya ito ng halik. Tipid na ngiti lang ang sagot nito. Ni hindi ito gumanti ng yakap at nang bitiwan niya ito bahagya siya nitong pinitik sa noo at basta na lang siyang nilampasan. "Leigh-" "Magbibihis lang ako." Nadismaya siya at nasaktan na hindi man lang nito sinagot ang 'I miss you' niya at hindi siya niyakap pabalik. Basta nilampasan lang siya nito. RAMDAM Niya ang pag sunod sa kanya ni Samantha. Nang lingunin niya ito kita sa mga mata nito na marami itong gustong itanong sa kanya. "Saan ka galing? Bakit ilang araw kang hindi umuwi? Iniiwasan mo ba ak

