"Bakit may tatlong kama rito? Don't tell me you're with your lover and your son?" Laking pasasalamat na lamang niya at wala pa ang mga kasama. Madaling araw na kung umuwi si Jannice dahil sa call center ito nagtatrabaho. Habang si Roena naman ay tiyak niyang mamamalagi nanaman sa bahay ng nobyo. Napairap na lamang si Louisse dahil sa tanong nito. Inakala talaga nitong may lalaki siya at may anak pa rito. "Tatlo kaming tenant dito. I'm paying for the bedspace and not the entire apartment. So, what do you expect?" Gulat itong napalingon sa kan'ya. "I don't want to be rude. Pero ang pangit ng apartment na 'to, Louisse. Your apartment is much more better than here." "Na hindi ko na magawang mabawi dahil binili mo na Zairus," mabilis niyang pagsagot. "Ano bang pumasok sa isip mo at pati ap

