Nagmulat ako ng mata at nakita ang puting bagay sa paningin ko. Hindi ako makakilos. Palinga-linga na lang ako ng tingin sa paligid. May isang ginang sa tabi ko't natutulog. Nasaan ako? Mayamaya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto, pumasok ang tatlong lalaki. Two teenagers and a middle aged man. Nanlaki ang mga mata nila nang magtama ang paningin namin. "Bantayan niyo na muna ate niyo, tatawag ako ng doctor," wika ng matanda at saka siya tumakbo pabalik sa pintuan at umalis. Mabilis na lumapit ang dalawang binata sa akin. Ang isa na medyo malaki ang pangangatawan ay lumapit sa babaeng natutulog. Yung payat naman na maputing binata ay pinakatitigan ako, . Kalaunan ay bahagyang umangat ang gilid ng labi niya at hinaplos ang aking pisngi. "Anak......? Gising ka na." Hindi nagtagal ay

