"Hala, drop the po! Mukha akong matanda. For sure magkaka-edad lang naman tayo." Tumango na lamang si Glenn kay Joan sa sobrang hiya. Pansin ko kay Joan na friendly siya masyado. O baka naman kasi kami ang katabi kaya siya na ang nangunguna na kausapin kami? "Dahil first day, alam niyo na anong gagawin siyempre. Common na ang sa unahan nagsisimula kaya sa likod tayo magsisimula." Biglang sabi nung teacher namin. Naghiyawan naman ang aking mga kaklase dahil sa narinig lalo na 'yong mga taong nasa unahan. Kami namang nasa likod ay kinabahan. Lalo na ako. "Sir, left side or right side?" Tanong ng isa kong kaklase na nasa dulo gaya ko ngunit sa left side naman ito. Sumagot naman si Sir Uy na sa right side kaya naman mas lalo akong kinabahan. Ako ang pinakadulo sa right side kaya ibig sab

