"What the hell is happening here?" sabay sabay kami na napatingin sa pinanggalingan ng galit na boses, at hindi nga ako nagkamali, nakauwi na si Gavin, kunot noo habang tinitignan kami. Pero masama ang loob ko ngayon,hindi ako natutuwa sa narinig ko ngayon, panay sya pilit sakin, pero halos hindi ko na rin naman maintindihan ang sinasabi niya, bigla na lang ako nahilo. "Dugo!" narinig ko na sigaw ni Ive, isa sa mga kasambahay namin na kasama dito. "s**t, Eli!" dinaluhan ako ni Gavin, maging ang mga kasama namin, may hawak siyang panyo, at pinunasan ang sentido ko, doon ko lang naramdaman ang sakit, may kaunting dugo din na tumulo sa suot ko na white shirt. "I'm okay," gusto ko i-congratulate ang sarili ko dahil hindi ako nautal, pero ang totoo ay talagang nahihilo na ko, at ayaw ko

