Kasama na nila leo at andrei ang kambal pabalik. Pabalik na sila sa hagdanan kung saan nila iniwan si carlos. Magugulat naman sila ng sa pag salubong sa kanila ng mga estudyanteng tumatakbo palayo sa tatlong halimaw. Imbis na tumakbo din ay hindi gagalaw sa kanilang kinatatayuan ang apat. Dadamputin ni leo ang walis na nakasandal sa pader, si andrei naman ay ihahanda ang kaniyang mga kamao at ang kambal naman ay nakakapit ng maigi sa gitarang dala. Sa pag papakita ng tatlong halimaw ay sabay sabay nilang apat na sasalubungin ito. Si carlos ay nakatingin kay janine na hindi makatayo mula sa pag kakadapa. Ang kasama ni janine na si clarence ay tatakbo palayo, iiwanan si janine sa kusinerong halimaw. Hindi makagalaw si carlos, iniisip niya ang kanyang gagawin. Nang hihina pa siya pero sa is

