"Ma'am, Levi is la-" Hindi ko alam kung bakit natigil siya sa pagsasalita. Nakita ko siyang napalunok at biglang napalitan ng takot ang mukha niya habang nakatingin kay Khalid. Hindi ko tuloy napigilang mapabaling sa katabi ko. Pero hindi ko naman makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatingin din siya kay Carla. Mayamaya, napatikhim si Carla kaya muli kong ibinaling sa kanya ang atensyon ko. "I mean, galing po siya... Yeah. Galing po siya sa restroom kaya po siguro, hindi niyo po siya napansin." "Is that so?" our terror teacher. "Yes, Ma'am." si Carla. "Thank you, Miss David. You may sit." Pasekreto akong inirapan ni Carla matapos ng sinabi ng terror teacher namin bago siya umupo. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin, muli ko na lang ibinalik ang atensyon ko sa harapan

