61 (Unedited)

1863 Words

Umakyat nalang ako sa taas pabalik sa kwarto ko para ipagpatuloy ang paghilata ko. Pero bago 'yun, sinilip ko muna ang pagkain na tinakpan ni mama sa lamesa. Napangiti naman ako dahil iyo'ng paborito kong ham at sunny side up ang hinanda ni mama para sa almusal ko. Excited na tuloy akong kumain. Natapos akong maligo at agad na bumaba para makapag-agahan na. Isusubo ko na sana ang pagkain na nasa kutsara ko ng may bigla namang nag doorbell sa labas ng bahay namin. "Sino kaya 'yun? Ang aga naman yata." Nasabi ko nalang sa sarili ko at itutuloy na sana ang pagsubo ko ng bigla na namang tumunog iyo'ng doorbell. Balak ko kasing 'wag nalang pansinin sana kung sino man 'yun baka kasi trip-trip lang. Ganyan ako dati eh, kakatok at kakaripas ng takbo kahit ang hina kong tumakbo. Tamad akong tumay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD