Nang mapansin ni Eya na nakatitig siya sa bahaging iyon ay nanlaki ang mga nito at mabilis na umiwas ng tingin. Awkward din itong pumihit pakaliwa kaya hindi na niya napag-isipan kung ano ang kan'yang nakita. Hanggang sa nakuha ni Kris ang kan'yang atensyon, kapapasok lamang nito habang bitbit ang kan'yang anak. Kalaunan ay ibinaba rin nito ang inaanak at kaagad itong nagtungo sa tabi ng kan'yang kaibigan. Habang inabala niya naman ang sarili sa pagtingin sa dalawa dahil malakas ang pakiramdam niya na may something sa mga ito. Lalo lamang lumakas ang hinala niya nang masaksihan ang kakaibang tinginang ibinibigay ng mga ito sa isa't isa. Nandyan pa ang tila makahulugang ngiti ng dalawa. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon saka na iniwas ang tingin at napangiti. If ever her friend will

