"Saan ka pala tutuloy?" Hindi niya napigilang tanungin ang lalaki. Kahit anong gawing pigil niya kay Drake ay buo na ang pasya nitong alamin ang kalagayan ni Suzy. "Sa isa sa mga private resort ni Azmar. Malapit lang iyon sa tinutuluyan ni Rasmus kaya mas maaalerto ako kung kasama niya si Suzy. I'll not let him touch what's mine." She can't help but to smile while hearing the possessiveness on his voice. KUNOT na kunot ang noo ni Zairus nang lumapag na ang eroplano. Hindi niya matukoy kung masusuka ba siya. Hindi sa biyahe sa himpapawid, kung hindi dahil sa ikalawang beses na proposal ng pinsan kay Sachza. Balak kasi ni Ezekhiel na magpakasal naman ang mga ito sa New York. He sighed when he stepped out from the airplane. Then, the dazzling sunlight greeted his eyes that became the reas

