Gigil na gigil siya, at maaga pa siyang gising, ngali ngali niyang hambalusin si Domminick, may lipstick ito sa kwelyo nito, hinintay niyang magising ito. Ang mga bata, ayon kay Mona, at umiiyak sa kanya, pinanggigilan niya palagi, di niya rin maintindihan ang sarili niya. Nang magising ito ay tila di siya kilala nito, tumayo ito at pumasok ng cr, matagal bago ito lumabas, nakaligo na ito pagka labas. "Ano saan ka galing kagabi?",parang walang narinig na tumalikod lang ito, mistulang hangin lang ang pinagtanongan niya, maski tingin ay di siya tinapunan. "Ano, bingi kana?" tanong ko dito, wala paring reaksiyon mula dito, naiyak na siya. Mukhang dumating na ang araw, na nagsawa na ito sa kanya. At wala na siyang silbi sa buhay nito. 'Break naba kami?' yun ang natanong niya sa isip niya,

