" Daddy bakit niyo po ako pinapatawag?" umupo ako sa tabi niya. Napatingin si Daddy sa akin. " Kailangan nating umuwi ng Pilipinas." nangunot ang noo ko. " Bakit po?" bigla akong kinabahan. Nakita ko sa mata ni Daddy ang kalungkutan. Huminga muna ng malalim bago siya nagsalita. " Your Papa is in the hospital. Critical ang lagay niya." nanlaki ang mata ko. Parang huminto bigla ang ikot ng mundo ko. Hindi maiproseso ng utak ko ang sinabi ni Daddy. Nang maasorbed na ng utak ko ang sinabi niya. Nangilid ang mga luha ko at tuluyan ng bumagsak. Yumakap ako kay Daddy. Kahit hindi kami in good terms ni Papa mahal ko siya. Habang inaayos ang mga damit namin ng mga anak ko. Walang tigil ang pagluha ko. Mahal na mahal ko siya kahit na hindi ko siya tunay na ama.Alam kong mahal niya din ako. Dahil

