CHAPTER 2 - MOVING ON

202 Words
Doon ako unti-unting lumayo. Doon pumasok si Lizzel, isang babaeng kabaligtaran ni Isabel. Palatawa, palangiti, laging may oras at laging may lambing. Sa tabi niya pakiramdam ko ay mahalaga ulit ako. Hanggang sa isang araw, napagod na ako. Nag-file ako ng annulment. Inasahan kong magwawala si Isabel. Akala ko magmamakaawa siya. Akala ko may sasabihin siyang paliwanag. Pero nang ibigay ko ang papeles, tahimik lang siyang nakaupo. Kinuha niya ang ballpen. Pinirmahan. “Okay,” sabi niya, halos pabulong. “Kung ‘yan ang makakapagpasaya sa’yo.” Wala siyang luha. Wala siyang galit. “Sa’yo na ang bahay. Aalis ako bukas.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ganun lang? Limang taon, ganun lang kadali? Umalis siya kinabukasan, isang maleta lang ang dala. Walang iniwan kundi katahimikan. Isang buwan ang lumipas. Malapit nang lumipat si Lizzel. Kaya nag-general cleaning ako binubura ang lahat ng bakas ni Isabel sa bahay. Hanggang sa nakita ko ang unan. Ang lumang, naninilaw, tahi-tahing unan na ilang beses ko nang gustong itapon noon pa man. Mabaho. Luma. Walang halaga sa paningin ko. “Mahalaga ‘to sa akin,” sabi niya dati. “Dito ako nakakatulog nang mahimbing.” Napangiwi ako. “Itatapon na kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD