Chapter 4

1276 Words
NAISIPAN ni Addison na magpahangin pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Iniisip pa rin kasi niya kung ano bang problema ng magkapatid, hanggang makarating kasi sila sa isla ay walang nagsasalita sa mga ito. Ang sabi naman ni Nanay Ising, hayaan na lang daw muna niya. Nang makarating siya sa likod bahay ay nakita niya doon si Ysmael. Nakaupo sa isa sa mahabang upuan na nasa ilalim ng puno ng mangga. Parang may malalim na iniisip ang binata. Umupo siya sa tabi nito. Mukhang hindi siya napansin dahil nakatingin lang sa kawalan saka malalim na humugot nang buntong hininga. "Ang lalim non ah, baka malunod ako." para namang itong nagulat ng makita siya saka umiwas ng tingin sa kanya. She cleared her throat, contemplating what she wanted to say to him. "May..may problema ba kayo ni Matteo, Ysmael?" tanong niya dito. Umiling lang ito. "Napansin kasi namin ni Nanay na parang bad mood kayo ni Matteo. Care to tell me what happened? Kung pwede?" humugot uli ito ng buntonghininga bago humarap sa kanya. "Wala naman kaming problema ni Matteo. Pero ako meron." "Ano ba yung problema mo? Pwede mong sabihin sa akin. Handa akong makinig." she stared to his beautiful eyes. Kahit saang anggulo talaga tignan ay napakaguwapo nito. Actually pareho sila ni Matteo. "M-may...may nagugustuhan kasi akong babae." panimula nito. Teka, bakit parang nakaramdam siya ng kirot sa puso niya nang marinig ang sinabi nito? "Wow talaga! S-sino naman siya? And anong problema? may iba na ba siyang boyfriend or what?" pinilit niyang pasiglahin ang boses. "Wala siyang ibang kasintahan. Hindi niya din alam na gusto ko siya. Addison kasi, sobrang gusto ko siya. Yung tipong gusto ko na lang siyang itago sa isang lugar na ako lang ang pwedeng makakita sa kanya. Gusto ko siyang ipagdamot sa buong mundo.." "Oh eh anong problema? Kung talagang gusto mo siya, edi ligawan mo. Ang guwapo mo kaya, masipag at ang bait mo pa. Imposibleng walang babaeng hindi magkagusto sayo." "T-talaga? Ibig sabihin kahit ikaw? Pwede kang magkagusto sa akin?" he said. She caught off-guard. Hindi tuloy siya nakaimik agad. Hindi niya napaghandaan ang sinabi nito. Nataranta tuloy siya kung ano ang isasagot niya. Bumukas-sara ang bibig niya. She wanted to speak pero hindi niya mahagilap ang tamang mga salita na pwedeng sabihin dito. Bigla naman itong ngumiti at kinurot ang magkabilang pisngi niya. "Nagbibiro lang ako. Sige na, pumasok ka na sa loob. Malamok dito, ayokong makitang may mga pantal ka. Susunod na lang ako." "S-sige, good night." nang makapasok siya sa loob ng kuwartong inuokopa niya ay tila doon lang siya nakahinga ng maluwag. She even can feel her heart beats faster. Sobrang bilis. ••• ABALA sa pagkain si Addison ng turon na sila mismo ni Nanay Ising ang gumawa bago ito pumunta sa bayan nang makita si Matteo na may mga dalang panggatong. Mukhang magsisibak na naman ito ng mga kahoy. Nasa likod bahay kasi at doon naisipang pumwesto. Mahangin kasi doon at presko. "Matteo! Halika! Kumain ka muna!" aya niya sa binata nang mailapag nito ang mga dalang kahoy sa lupa. Inaabot nito ang palakol na nakasandal lamang sa gilid ng bahay nang tapunan siya nito ng tingin. She gave him a warm smile. Seryoso pa rin ang mukha nito, walang mababanaag na kahit anong emosyon sa mukha ng binata. Ngunit nanlaki ang mga mata niya at dali-daling lumapit dito nang pumiksi ito nang masugatan ang daliri dahil sa talim ng palakol. Nakita pa niya ang bahagyang pagngiwi ng lalaki habang nakatingin sa sugat nito. "Okay ka lang ba? Nagdudugo yung sugat mo. Teka lang ha?" Hinila niya ito sa ilalim ng puno ng mangga at pinaupo sa bangkuan. Sinipsip niya ang daliri nito saka siya nanakbo papasok ng bahay para kumuha ng isang palangganang tubig, alcohol at bulak. Nang makabalik siya kay Matteo ay parang natulala lang ito sa kanya. Inilubog niya ang kamay nito sa tubig bago pinatuyo at dahan-dahang nilagyan ng alcohol bago tinalian ng malinis na tela ang sugat nito. "Ayan, okay na." nakangiti niyang sabi dito. Parang doon lang ito tila natauhan. "Bakit mo ba ginawa iyon? Daliri lang naman ito, malayo sa bituka." "First aid yun. Tsaka baka matetano ka kaya huwag mong nilalang ang maliit na sugat." "Eh bakit mo pa sinipsip yung daliri ko? Paano kung ikaw naman ang matetano?" she wanted to laugh while looking at his handsome face. Para itong bata nakikipagtalo sa sarili nitong ina. "Mag-thank you ka na lang. Ay teka, kumain ka muna. Masarap itong turon." kumunit siya ng kapiraso ng turon bago iniumang iyon sa bibig nito. Siya naman yung tila natauhan ng bigla nitong isinubo ang mga daliri niya para makain ang pagkain na binigay dito. Naramdaman niya pa ang dila nito na tila sinipsip pa ang mga daliri niya. Agad naman niyang binawi ang kamay niya. "Masarap nga." sabi nito habang ngumunguya. She can feel her face turning red. Hindi niya alam kung nang aasar ba si Matteo o ano dahil wala pa ring ka-emosyon emosyon ang mukha nito. Agad niyang niligpit ang mga ginamit na panggamot dito bago tumayo. "Ahm..sige, ubusin mo na lang yan. Papasok na ako sa loob." hindi na niya hinintay na makasagot ito dahil tumalikod na siya saka nagmamadaling pumasok ng bahay. Nilapag agad niya ang palanggana sa lababo saka niya sinapo ang dibdib niya. Malakas na naman ang pagtibok non. Magkaka heart attack ata siya. ••• TIME flies so fast simula ng manirahan si Addison sa bahay nila Ysmael. Imbes na isang linggo katulad ng nauna niyang plano, umabot ng buwan ang pananatili niya sa isla. Mabilis din siyang nakapag-adjust sa buhay doon dahil walang kuryente sa kanila. Halos kasundo na niya ang mga ito except Matteo. Palagi na kasi siya nitong iniiwasan. Sinubukan naman niyang kausapin ito ulit pero kapag nagsasalita ito ay isang tanong isang sagot lang. Inabala nalang niya ang sarili sa iba't-ibang bagay. Pinipilit din niyang huwag maging pabigat sa mga ito katulad ngayon. Kasama niya sa dalampasigan sina Mikay at Chito dahil inaabangan nila ang dalawa nitong kuya. Doon kasi ang bagsakan ng mga mahuhuling isda. "Uy Mikay, bakit ka humahagikgik diyan?" puna dito ni Chito. "Paano kasi kuya, para tayong may kasamang artista. Kanina pa nila tinitignan si Ate Addison." pasimpleng inilibot ng tingin ni Addison ang paligid. Oo nga't halos lahat ng tao doon ay nakatingin sa kanya but she doesn't mind it. Siguro ay nagtataka lang ang mga ito dahil bagong mukha siya sa lugar nila. Tiningala siya ni Chito. "Ang ganda ganda mo naman kasi ate eh. Baka malagot ako kina kuya nito." napakunot-noo naman siya sa sinabi ng bata. What does he mean? Bago pa siya makapagtanong dito ay natanawan na nila ang bangka nina Ysmael at  Matteo na palapit sa pampang. Napansin niyang tila badmood na naman si Matteo at matalim ang tingin sa kaniya. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naramdaman na lang niya ang isang braso na humawak sa bewang niya. "Anong ginagawa mo dito Addison?" tanong ni Ysmael sa kanya. First time din niyang ulit makitang seryoso ang guwapong mukha nito magmula noong sinundo sila ng mga ito ni Nanay Ising nang magtinda sila ng mga kakanin sa bayan. "Ahm, tutulong sana kami nila Mikay at Chito na magbenta ng isda. Wala na din naman kaming ginagawa sa bahay." mas lalo siyang kinabahan ng pabagsak na ibinagsak ni Matteo ang timba ng mga isda sa buhanginan. Para itong nagtitimpi ng galit. Teka, may ginawa ba siyang masama? "Mikay, Chito. Iuwi niyo na ang ate Addison niyo." malamig na utos nito sa mga kapatid. Hindi na lang siya pumalag at nagpahila sa dalawang bata. Ano bang nangyayari? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD