GRACE POV
Nandito ako ngayon sa jeep, dala dala ko ang simpleng mga susuotin ko para sa mating ball namin sa school. I am an introvert person at wala akong kagana gana sa mga ganitong klase ng event. And I would rather be alone, nag kukulong sa loob ng aking kwarto at nag aaral ng mabuti kesa sa gumala.
Lalo na't two weeks na lang ay final exam na namin, at ayaw kong malaglag ako sa exam, ayaw kong bumagsak dahil gusto kong maging proud sa akin ang parents ko, pati na ang tita ko, she was a victim of abuse sa loob ng aming academy.
Pero who knows kung may mangyaring masama sa akin sa loob ng venue? Lalo na kapag nakita ako ni Chantal? Sobrang bitter niya sa akin, ako pa naman yung taong nasa loob ang kulo. Iba ako magalit, talagang kayang kaya kong dungisan ang aking kamay. Subukan lang niya at nang mga kaibigan niya na muli akong i bully lalo na sa harapan ni Lance, ang certified heart throb sa aming campus, mayayari talaga sila sa akin. Silang apat, akala mo ay kung sinong mga siga sa school, lalo na si Chantal na saksakan ng arte,
Kung noon ay nagagawa kong palampasin ang mga ginagawa nila, ngayon ay sobrang nasasagad na ang aking pasensya. And I will make sure to make them pay! Di nila alam kung sino ang bina bangga nila sa school and they messed up with the wrong person.
Pag dating ko sa venue, medyo kaunti pa lang ang mga tao. Pero malamig ang aircon, parang classroom lang namin sa school. Subalit kailangan ko munang mag punta sa cr upang ayusin ang sarili ko. Mabilis ko lang na isusuot ang gown at kaya ko itong gawin ng walang tulong ng ibang mga tao.
Tutal, sanay na sanay akong mag isa, marami na rin akong kinaya na di alam ng iba. Yung pang bu bully pa nga lang sa akin sa school, natagal ko ng tatlong tao. Ito pa kayang simpleng bagay.
Habang papunta ako sa cr, nagulat ako dahil nag lalakad din si Lance sa harapan ko. Himala, mag isa lang siya ngayon, wala siyang ibang kasama di kagaya sa campus na marami sila palagi ng mga tropa niya sa baseball.
Nakakapang laway ang ka pogian niya. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang itim na American with matching pink necktie. Ang tangkad tangkad niya at ang ganda ng body build niya. As far as I know, American ang tatay niya at ang nanay niya is not a pure filipina. Kulay green din ang kanyang mga mata, siya lang ang may ganitong klase ng mukha sa campusi namin. Kaya di na ako nag taka kung bakit siya habulin.
Ngunit alam kong marami ding mga minions si Chantal at kapag ipinaabot ng mga ito sa kanya na nag pansinan kami ni Lance, sure akong susugurin niya na naman ako.
Kung puwede nga lang na pumasok ako sa loob ng venue ay ginawa ko na. Kaya lang, di pa ako naka bihis kaya baka mas ma bully pa ako.
Kunwari, I make myself busy, nag phone ako habang nag lalakad. Basta kahit na anong mangyari ay hinding hindi ko siya papansinin.
Habang nagse selpon ako, bigla na lang akong bumangga sa kung ano at nadapa. Ang bilis ng pangyayari, nang tumingala ako, nakita ko si Lance na naka smile, labas ang dalawa niyang malalim na dimples.
Yumuko siya sa akin and he offered his hand, "Oh I am sorry, hindi ko sinasadya, sana ay ayos ka lang, Grace!"
Hindi na kumurap ang mga mata ko. Sa loob ng tatlong taon na lihim ko siyang naging crush, ito lang yung unang beses na may physical touch kaming dalawa. Habang naka focus ako sa kanya, unti unti ding nag laho ang ibang mga tao sa paligid ko.
Tinanggap ko ang kanyang kamay, I felt na nag blush ang magka bilang mga pisgni ko ng mahawakan ko ang kanyang malambot na kamay- ang pinapangarap din mahawakan ng maraming mga kababaihan sa school namin. Lumulundag ang puso ko sa kaba, di pa nag sisimula ang mating ball pero parang gusto ko nang umuwi at tumalon sa malambot kong kama dahil sa nangyari.
Tinulungan niya akong tumayo at nagulat ako ng halikan niya ang aking kamay bigla. Ang lakas lang maka fairytale ng ganito, at ang sweet ng prince charming ko. Sa mga titig niya pa lang ay nabihag na niya ang puso ko.
"Where is your outfit," tanong niya sa akin, "Were you informed na supposedly ay naka gown ang mga babae?"
"Ay oo, sorry, kasi ngayon pa lang ako mag papalit ng gown. Sumakay lang kasi ako sa jeep at ang hirap kung mag susuot ako ng gown, kaya maaga din akong nag punta ngayon dito kasi gusto ko sanang dito na lang din ako mag bihis."
"What?" he said in shock, "You could have informed me right away since ako lang ang sakay ng kotse ko. This is just once in a life time event, and you should not be shy asking me."
"Eh may ilang minutes pa naman bago ang event. Promise, mayroon pa akong ilang minutes para makapag ayos."
"Okay, pero sana ay hayaan mo akong maisayaw ka mamaya. I mean, siguro naman ay wala kang partner di ba?"
"Partner? Wait lang, may ganun ba talaga sa ganito?" pag tataka ko, I really thought na kakain lang kami sa loob at may program. Ngayon lang din kasi ako naka attend ng ganitong party sa buong buhay ko.
He smiled, "No, it is like a prom where you are going to dance with someone. And I hope na mapag bigyan mo ang hiling ko na maisayaw ka mamaya. Malulungkot ako kapag tinanggihan mo ang alak ko."
How can I decline the request of someone na pinapangarap ng maraming mga kababaihan sa campus namin? Feeling ko ay ang haba haba ng hair ko. Tama siya, this is just once in a lifetime event, so gusto ko rin ma experience na maisayaw ng ultimate crush ko.
"Oo naman, sino ba ako para tumangi sa tinaguriang certified heart throb ng school natin," excited ko pang sabi