GRACE POV "Picture? Wala akong masyadong mga pictures dito sa aking kwarto. Naiwan kasi sa bahay namin dati yung mga ibang gamit ko. Wait lang, may gusto ka bang pagkain o inumin ha? Sabihin mo na sa akin para maihanda ko na sana." "Ah, kahit wag na sana kasi 'di rin ako magtatagal rito. Matanong ko lang sana ang tungkol sa pamilya mo, wag ka sanang ma offend sa sasabihin ko pero maitanong ko lang kung may iba ka pa bang kamag anak na nandito at bumibisita sayo?" "Bisita," bahagya akong nalungkot, "Mahirap itong paniwalaan pero wala nang bumibisita pa sa akin. What you see is what you get, ako lang mag isa sa aking buhay. Ganito na ako eh, nasanay na akong maging mag isa. Walang katuwang sa buhay. Boring man para sa ibang tao pero para sa akin ay masaya yung ganito. Kahit na wala akong

