Uuwi na naman ako sa unit namin. Huh napatingala ako sa langit. Itinaas ko ang aking kamay,Kuya.
Imahe na naman ni kuya ang nakikita ko, mis na mis na talaga kita kuya.
Buo na desisyon ko, aalis na muna ako sa unit namin ni kuya.
Aasikasuhin ko na ang mga documents ko para sa pagpasok ko sa University.
Pero paano wala ako pera aysstt, saan naman ako kukuha neto napasabunot na lamang ako ng aking buhok.
Paano ako makaka pag enrol kung wala ako pera. Ang lamang na lamang ng bank account ko one hundred fifty thousand na lang kulang pa sa first semester iyon.
Kasalan mo eto kung hindi mo pinatay ang kuya ko, hindi ako magkakaroon ng ganitong problema. Napakuyom na lamang ako ng aking kamao.
Magbabayad ka. Ako mismo ang magdadala sayu sa impyerno kung saan ka nararapat.
Bago ako uuwi sa condo namin ni kuya. Daan muna ako sa convenience store para bumili ng mga kailangan ko.
Pagkatapos ko mamili, pumara na ako ng taxi. Sakto naman my dumaan.
Kuya sa Sky villas po. Sige po ma'am.
Pagkarating ko sa unit namin ni kuya, sinalubong ako ng katahimikan, not like before, pag pasok ko pa lang bosses na ni kuya ang naririnig ko.
Huh, agad ako pumasok sa aking silid ayaw ko ng umiyak lalo lang ako malulungkot.
Pagkatapos ko naligo, nahiga na ako sa aking kama.
Hinaplos ko ang aking kama, ma mimiss ko ang kama ko, sabay dapa.
Bukas na bukas mag hahanap muna ako ng pansamantalang mauupahan.
Kailangan ko rin mag trabaho para maka survived ako sa araw araw, ayaw kung umasa sa mga kaibigan ni kuya.
Hindi ko naman pwede galawin ang pera ni kuya sa ngayon. Hindi ko pa naayos ang bank account niya, gusto ko itransfer lahat ng pera niya sa account ko.
Beep, hmmm napatingin ako sa aking celphone, sino kaya ng message.
Chantal - Bruha bukas na ang alis namin papuntang U.S.
Mag rereply na sana ako ng bigla na lamang siya tumawag.
What!! wow ah ganyan kana ba sumagot sa akin ha. Tsskk arte mo talaga bruha ka.
Mamimiss kita bruha sabi niya sa akin.
Ako rin basta ingat ka doon ok.
Oo naman basta, email mo lang ako best friend ha.
Oo naman, magiingay ka doon huwag kana magalala sa akin kaya ko na to.
Napabuntong hininga na lamang siya, basta kung kailangan mo ng makakausap twenty four seven open email ko sayu bruha.
Napatawa na lamang ako.
Madami pa kami napagusap.
Makakaasa ka sa akin once na maging prosecutor na ako hahanapin natin ang pumatay sa kuya mo.
Oo, salamat ha napaluha na lamang ako.
Huwag kana nga umiyak ampangit mo hahaha.
Bruha ka talaga, hahaha tears of joy no hahaha.
Oo na oo na basta magiingat ka ha.
Oo naman bye bruha iloveyou.
Pagkababa ng tawag dumapa na ako,naiiyak na naman ako.
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi.
Nagising lang ako sa doorbell. Napasabunot na lamang ako.
Ang aga aga nag iistorbo. Napatingin ako sa side table ko, ohh tenbin the morning na pala.
Agad binuksan ang ang pinto ng unit namin.
Magandang umaga po ma'am, delivery po mula kay sir Ave Delgado po.
Napakunot ang aking noo. Isang malaking box. Hindi naman siguro pagkain to no kuya sabi ko sa delivery man.
Napakamot na lamang siya ng kanyang batok. Hindi naman po siguro ma'am.
Agad ko kinuha ang box at pumirma na din ako.Salamat ma'am, walang anuman po kuya.
Pagkapasok ko sa aking silid nakita kung may tumatawag sa akin.
Kuya Ace is calling.
Hello kuya.
Din you get the parcel?
Yes po kuya. Ok good wear that one today, i will pick up you later ok. Ahh ok po kuya.
Ok prepare your self bye for now. Ok po bye.
Maski ako naguguluhan, ano raw isusuot ko daw nag buksan ko ang box.
Halos lumaki na ang mata ko ng makita ko ang isang white dress offshoulder.Wow ang ganda.
Agad akong pumasok sa akin banyo para maligo na.
Pagkatapos ko sinout ko na ang dress na bigay ni kuya Ace.
Wow halos sakto sa akin. Kita rin ang kurba ng aking katawan. Bakat din ang kalakihan kung dede. Below the knee siya.
Kumuha na lamang ako ng sandals ko. Wow perfect.
Ace ( pov )
Bro, napatingin ako sa aking mga kaibigan.
Ngayon araw ang kasal namin ni Grace, hindi pa niya alam na ikakasal na kami ngayon.
Itutuloy mo pa rin ba bro. No choice bro eto lang ang alam kung paraan para matulongan siya.
Ano balak mo pagkatapos pakasalan si Grace?.
Aalis ako bro, kailangan kung ipagpatuloy ang pag aaral ko sa london.
Iiwan mo siya?. Napatango na lamang ako.
Sana bro tama ang desisyon mo na to, sana balang araw hindi masasaktan si Grace.
Alam natin lahat bro mula pa noon crush ka na ni Grace.
Huwag mo siya paasahin bro.
Buo na desisyon ko, pakakasalan ko siya pag nakapagtapos na siya, mag fifile na ako ng divorce sa kanya.
Matanda kana, alam mo na ang tama at mali. Sabay tapik ni Harold sa aking balikat.
Napabuntong hininga na lamang ako. Tara na baka naghihintay na si Grace sa atin.
Nag makarating kami sa unit ni Grace, sakto rin ang paglabas niya ng unit nila.
Halos tumigil ang mundo ko ng makita ko siya. Napakaganda niya bagay na bagay sa kanya ang white dress na binili ko.
Wow ang ganda mo Grace, salamat kuya Troy.
Wow dalagang dalaga na talaga ang bunso namin oh, salamat po kuya Harold.
Nag magtagpo ang amin paningin, bigla na lamang bumilis ang kabog ng aking dibdib.
Ano ba nagyayari sa akin, hindi ko maiwasan na mamangha sa kanya napakaganda niya bagay na bagay ang ayos niya.
Nakataas ang mahabang niyang buhok,bagay sa kanya ang light make up and damn those lips napakalambot siguro ang labi niya.
No no no hindi pwede napakabata niya para sayo Ace, kastigo ko sa akin sarili.
Oo nga po pala mga kuya saan po tayo pupunta?,bakit naka pormal tayong lahat ano po meron.
Malalaman mo mamaya, napatingin ako kay Kuya Ace, napatango na lamang ako sa kanya.
Sabay sabay na kaming pumasok sa elevator, katabi ko si Grace. Damn nakakaadik ang amoy niya smells vanilla hindi siya masangsang sakto lang siya.
Nagkarating kami sa lobby, halos lahat ng mga tao sa lobby nakatingin sa amin. Pati mga kalalakihan, naikuyom ko na lamang ang aking kamao.
Shit!!, sarap manapak, hey anung nagyayari sayu sabi ni Paul sa akin. Nothing bro.
Pagkasakay namin sa sasakyan, domeretcho na kami sa munisipyo.
Nang makarating na kami agad kaming nagsibabaan.
Sandali lang po mga kuya,anung ginagawa natin dito, malalaman mo mamaya let's go, hinawakan ko na ang kanyang kamay.
Napaigtad ako ng my naramdaman akung dumaloy na kuryente sa aking kamay, napatingin ako sa kanya sigurado ganun din ang naramdaman niya.
Pagkapasok namin sa mayor's office.
Magandang tanghali po mayor.
Ohh magandang tanghali rin mga iho.
Asan na ang ikakasal?.
Agad kung hinila si Grace sa harap. Kita ko ang panlaki ng kanyang mga mata. Nakikita ko rin na naguguluhan siya.
Sorry Grace kung hindi namin sinabi sayu sabi naman ni kuya Harold napatingin na lamang ako sa kanya.
Walang lumabas na salita sa akin, dahil sa gulat. A-ano ikakasal ta-tayu?, iyan lang ang lumabas sa akin bibig.
Napatango naman si Ace.
Kung ganun umpisahan na natin ang kasal.
Mag proprotesta pa sana ako kaso, hinawakan na ni kuya Ace ang aking bewang.
Hindi ko na rin naintindihan masyado ang sinasabi ni mayor.
You may now kiss the bride. Napatingin na lamang ako kay kuya Ace,hinawakan niya ang aking kamay, naramdaman ko na lamang na lumapat ang labi niya sa aking labi.
Congratulations!!, Mr and Mrs Delgado.
Buong ceremonya lutang ako, wala ako naintindihan hindi ako makapaniwala na kasal na ako kay kuya Ace.
Congratulations both of you!.