Ivy Grace ( pov )
Hindi na ako nakauwi sa condo namin ni kuya. Nag stay na lamang ako sa condo unit ni kuya Harold.
Maaga ako nagicing para makauwi na ako ng maaga. Nahihiya na ako sa mga kaibigan ni kuya.
Subrang abala na ako sa kanila, pilit kung pinapakita sa kanila na maayos na ako.
Ayaw ko ng magalala pa sila sa akin.
Hindi ko na naman namalayan na dumaloy na naman ang luha ko.
Kuya gabayan mo ako lagi ha, gaya ng sinabi mo sa akin sa panaginip. Hindi na po ako iiyak gaya ng sabi mo.
Flashback
Kuya kuya kuya !!!, sandali. Huwag mo ako iwan dito kuya, bigla na lamang humarap sa akin si kuya na nakangiti.
Kumusta na ang princessa ni kuya, habang hinahaplos niya ang aking buhok. Hindi ko na napigilan na yakapin siya ng mahigpit.
Gumanti din siya sa akin. Princess makinig ka sa kuya ok. Magpakatatag ka ha mahal na mahal ka ni kuya, ayaw ko nakikita kitang umiiyak kasi nalulungkot si kuya.
Tumango na lamang ako sa kanya. Kuya sumama na lamang po ako sa inyo, sige na po kuya please.
Princess darating din ang panahon na magkakasama tayu ok. Pero sa ngayon hindi pa pwede princess, lagi naman ako sa tabi mo ehh, hindi kita pababayaan palagi kitang babantayan.
Marami kapang pangarap diba tuparin mo lahat ng mga pangarap mo my princess ok, magiging masaya na si kuya pag nagawa mo na iyon lahat. Proud na proud na si kuya sayu.
Sige po kuya pinapangako ko po na tutuparin ko lahat ng pangarap ko, tapos iyong plano natin na business kuya pinapangako ko po na tutuparin ko po iyon kuya pangako.
Pinahid na lamang ni kuya ang aking luha, huwag kana iiyak ha andito lang si kuya, dito tinuro pa niya ang puso ko.
Opo kuya mahal na mahal po kita kuya, magiingat ka palagi my princess ha, hinalikan na niya ako sa noo.
Tandaam mo na my lalake pang magmamahal sayu, aalagaan at iingatan ka niya, darating din ang araw na siya ang magaalaga sayu. kaya huwag kana umiyak ha nahihirapan si kuya pag nakikita kitang umiiyak my princess.
Tumango na lamang ako, opo kuya hindi na po ako iiyak pangako. Very good my princess mahal na mahal kita habang nakayakap sa akin ng mahigpit ramdam ko din na hinahaplos niya ang buhok ko at hinagkan niya ang aking noo gaya ng ginagawa niya sa akin araw araw.
Kuya!! kuya !!.
Hey Grace wake up, pag mulat ko ng mata nakita ko si kuya Ace, nakita ko din ang lungkot sa kanyang kulay asul na mata.
Pagkalipas ng ilang segundo nakatulog ulit ako.
Paggicing ko nakita ko sila kuya Ace,Troy,Harold at kuya Paul.
Nauuhaw po ako, agad naman akung binigyan ni kuya Ace, siya na rin nagpainom sa akin.
Nagugutom kana ba sabi naman sa akin ni kuya Paul. Opo kuya agad naman nag order si kuya Harold.
Sabay sabay na kaming lumabas para kumain na. Nag asaran pa kami ni kuya Ace medjo gumaan ang pakiramdam ko.
Napag usapan din namin ang nalalapit na eighteen birthday ko.
Tama si kuya,pipilitan kung bumangon magiging matatag ako para sayu kuya.
Gaya ng pangako ko sayu tutuparin ko po iyon lahat pangako po.
End of flashback
Paglabas ko ng silid, nakita ko na sila kuya Harold, Ace at kuya Paul.
Good morning mga kuya, pinasigla ko ang aking bosses.
Good morning too Grace sabay sabay pa silang bumati sa akin.
Halika na sabay sabay na tayung mag almusal,opo kuya.
Pagkatapos namin kumain, nagyaya si kuya Paul na pupunta raw kami ng mall.
Naku kuya huwag na po masyado na po ako nakakaabala sa inyo, napayuko na lamang ako.
Nagulat na lamang ako ng my humawak sa aking kamay, hindi ka magiging abala sa amin Grace, luhh ang gwapo talaga ni Kuya Ace.
Pero kuya nahihiya na po ako sa inyo.
Huwag kana mahiya hindi ka na iba sa amin, ok. Opo kuya.
Kuya, ihatid niyo na lang ako sa condo unit namin ni kuya.
Nagkatingin naman kami magkakaibigan.
Ok lang po ako mga kuya, pilit kung pinapakita sa kanila na ok lang ako.
Are you sure?, na ok ka lang doon, opo kuya Ace.
Napabuntong hininga na lamang siya. Ok kung iyan ang gusto mo ihahatid ka na namin doon.
Thank you po kuya Ace.
Tsskk sabay g**o ng akin buhok. Huwag kana magluto doon ok baka masunog mo pa ang unit niyo, sabay sabay naman silang tumawa, napasimangot na lamang ako.
Oo na po, mag papadeliver na lang ako ng pagkain mo, sige po kuya Ace maraming salamat po.
Your always welcome Grace, hala ang gwapo talaga ng kapre na to lalo pag ngumingiti hihihi.
Napayuko na lamang ako para hindi nila mahalata ang pamumula ng aking pisngi.
Sabay sabay na rin kaming lumabas sa condo unit ni kuya Harold.
Habang nakasakay na kami sa sasakyan,tahimik lang ako sumasagot naman ako pag my tinatanong sila sa akin.
Maraming salamat po sa paghatid sa akin mga kuya. Walang anuman basta magiingat ka diyan ok. If something happen don't hesitate to call me ok, opo kuya Ace.
Wait your food ok. Yes kuya, magiingat din po kayu. Sabay sabay naman silang tumango sa akin.
Ohh sige po kuya pasok na po ako, sige they hug me before they leave.
Habang papasok ako sa loob ng unit namin ni kuya, bigla na naman tumulo ang luha ko.
Kuya hindi ko na ata kaya kuya, humagol-gul na lamang ako, mis na mis na po kita kuya. Halos manikip ang dibdib ko sa kaiiyak, sorry kuya kung umiyak na naman ako.
Malapit na kasi birthday ko kuya naalala ko po iyong plano mo sa debut birthday party ko.
Ngayon wala na kuya ayaw ko icelebrate kuya ang birthday ko patawad po hindi ko pa kaya kuya, sorry kuya sorry. Napahagulhul na lamang ako ang sakit sakit dito kuya ohh sabay hampas sa dibdib ko.
Andaya mo kuya, sabi mo hindi mo ako iiwan bakit iniwan mo ako kuya, ang sakit sakit kuya subra. Hirap na din akong huminga naninikip ang dibdib ko.
Kuyaaaa!!!!!!! Halos maghalo na ang sipon at luha ko sa aking mukha. Mis na mis na po kita kuya.
Naalala ko pa mga sinabi mo sa akin pag nag birthday na ako.
Flashback
Kuya gising kana diyan kuya. Kuya niyugyug ko na lamang siya para gumising na siya. Pero wala pa din tulog mantika talaga si kuya.
Kaya ang ginawa ko kiniliti ko ang kanyang talampakan hahaha dito kasi ang kiliti ni kuya hahaha.
Stop it princess habang tumatawa siya hahaha stop princess.I'm awake already.
Tagal mo kasi magising ehh, kuya gutom na ako, sorry my princess eto na ohh babangon na si kuya.
Ano want mo na food, napahawak ako sa aking baba nag iisip ako kung ano masarap na food.
Alam ko na sabay taas ng aking kamay, kuya i want fried rice with ham and hotdogs.
Ok ok let's go downstair, aye aye boss sabay salute sa aking kuya.
Habang nagluluto si kuya nakamasid lang ako sa kanya, gwapo talaga ng kuya ko pareho kami ng kulay ng mata.
Tadaan, wow ang galing talaga ng kuya ko magluto your the best kuya in universe.
Ay sus nanbola kapa, hahahaha kuya naman ehh nagsasabi lang ako ng totoo, sabay pout hahaha nagbibiro lang si kuya, let's eat na, hahatid pa kita mamaya sa school mo.
Habang kumakain kami ni kuya napag usapan na namin tungkol sa nalalapit na debut birthday party ko.
Kuya gusto ko simple lang. Princess bedut mo iyon dapat paghandaan ko iyon, pero kuya.
You Listen my princess, napabusangot na lamang ako na humarap kay kuya.
Kung inaalala mo ang gagastosin natin, naka save na iyan ok, kung iniisip mo walang pera si kuya nagkakamali ka hahaha.
Kuya naman ehh alam ko marami ka pera isang race mo lang milyon na ehh.
Ang akin kuya nahihiya po ako ehh.
Don' t be shy my princess, hindi ka naman bungal hahaha hindi ka rin pangit haha.
Kuyaaa!!! ok ok sorry na hahaha, basta ako na bahala sa debut mo ok.
Ano pa nga ba magagawa ko kuya,
Your decision is final na. Very good my princess.
Nag matapos na kami ni kuya kumain.
Umakyat kana sa silid mo maligo kana baka malate kapa sa school. Opo kuya.
End of Flashback
Patuloy pa rin ako sa pag iyak, sorry kuya sorry po umiyak na naman ako namimis lang po talaga kita kuya.
Nakasalampak pa ako sa sahig ng ilang oras. Bago mag desisyon na pumasok na sa silid ko.
Habang binabagtas ko ang daan papuntang silid ko. Napatingin ako sa silid ni kuya. Hindi ko pa kayang pumasok sa loob ng silid ni kuya baka tuloyan ko nag taposin ang buhay ko, hindi ko pa kaya sorry kuya.
Darating din ang tamang panahon na matatanggap ko na wala kana. Sa ngayon kuya hindi ko pa kaya. Pangako magpapakatatag po ako kuya.
Iiyak lang ako pero hindi ako susuko pangako ko po iyan sayo kuya.
Pagkapasok ko ng aking silid binagsak ko na ang aking katawan sa kama ko.
Napatihaya ako. Nakatingin ako sa kisame napakuyom ako ng aking kamao.
Kung sino ka man humanda ka sa akin, magbabayad ka ng mahal, sinisigoro ko na mabobolok ka sa bilangguan hayop ka. Ng dahil sayo nawala ang kuya ko. Napa tiim-bagang na lamang ako.
Maghintay ka lang hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng aking kuya.
Hahanapin kita kahit saan ka man lupalop ng mundo, aalamin ko rin kung sino ka magbabayad ka.