CHAPTER 1

2293 Words
“WHAT THE hell was wrong with you?!” mahina pero mariing tanong ng ina ni Chyiarah. Kasalukuyan silang nasa 35th year wedding anniversary ng mag-asawang Bachelor. A family friend. Matagal nang magkaibigan ang mga pamilya nila, ang mga Speckhart at Bachelor na parehong nasa peak of success ang mga business empire. Chyiarah, being the only princess of Aldeguer-Speckhart family would always get what she wanted. Pero hindi sa mga ganitong sitwasyon. Kung ayaw niyang maputol ang madali at masarap na pamumuhay gamit ang pera at kapangyarihan ng kanyang pamilya ay kailangan niyang humarap at i-please ang mga taong kabilang sa society na kinaroroonan niya—ayon sa gusto ng kanyang mga magulang. Hindi siya nagtatrabaho sa edad na bente tres. Ayaw niyang magtrabaho. Mayaman na ang pamilya niya. Bakit pa siya magpapakakuba sa paghahanapbuhay kung kaya namang suportahan ng kayamanan nila ang buong buhay niya—sa madaling pamumuhay? Apat silang magkakapatid at nag-iisa siyang babae. Ang tatlong mga barako niyang kapatid ay kanya-kanya ng negosyong pinapatakbo. And surely, ang mapupunta sa kanya ay ang food corporation na inaasikaso pa ring mag-isa ng kanyang ama. She was pampered by her father. Hinahayaan lang siya nitong mag-enjoy sa buhay dahil alam raw nitong magsasawa din siya sa lime light at matatagpuan nalang ang sarili na nakikialam na sa isa sa mga negosyo na meron ang kanilang pamilya. And she doubts it. Hindi gustong bulukin ng dalaga ang sarili sa apat na sulok ng opisina, kaulayaw ang computer at mga papeles. Hindi niya gustong maging tulad ng ina at ama na wala nang panahon para sa pamilya dahil walang ibang iniintindi kundi pera at negosyo. Ni wala ang mga itong kaide-ideya sa mga pinaggagagawa niya. At sinong magsasawa sa mga parties and vacation escapades? Sinong magsasawang mag-shopping galore? Sinong magsasawang gumastos ng walang patumangga? Suki siya ng airport sa mga nakaraang buwan dahil sa mga out of the countries vacation niya. Nah! Imposibleng magsawa siya sa ganoong buhay. She could travel the world anytime she wanted. Halos humalakhak si Chyiarah kapag bigla nalang kakastiguhin ng ama at ina sa kung saan na naman nagpunta. At kung sino na naman ang nabalitaang ka-date niya. Pero nagsawa na din ang mga ito sa pagsasaway sa kanya at hinayaan nalang siya. Dating and travelling isn’t really bad. Kung kailan naman hinayaan na siya ay saka naman siya tumigil at lumipat ng bagong pagkakaabalahan. At iyon ay ang bar hopping and parties. She was wild and free! Hindi siya titigil hanggang hindi nakukuha ang full attention ng mga magulang niya at pakinggan ang kanyang mga sentimyento. But for now, she needs to be submissive. Again. Kamuntik mag-freeze ang mga bank accounts niya dahil two weeks ago lang ay naibangga niya ang bagong-bagong convertible sports car habang nagmamaneho siya ng lasing. Kung hindi siya magpapakabait ay baka hindi na niya maipagpatuloy ang mga ginagawang pagwawala. “The party was so boring!” Hindi napigilang sabi ng dalaga sa ina, Na kulang nalang ay kaladkadin siya palapit sa mga business colleagues ng kanyang ama para ipakilala bilang heiress ng Speckhart Foods Corp. o SFC. Aware si Chyiarah sa mga humahangang tingin ng mga naroroon, lalo na mula sa mga kalalakihan. At hindi naman niya masisisi ang mga ito. Pero hindi niya ma-enjoy ang atensyon. “Oh, shut up! May makarinig sa ‘yo! At ano ba ang masaya na party para sa ‘yo? Iyong maingay at may malilikot na ilaw? ‘Yong may mga mahaharot na sayawan?” Yes, they know. Alam ng mga ito ang mga bar escapades niya pero hinahayaan lang siya. Na para bang sinasabing gawin niya ang gusto niyang gawin basta huwag siyang gagawa ng gulo na ikasisira ng pangalan ng pamilya. At minsan ay naaaakit na siyang ibulgar ang kanyang mga kalokohan. “This is more pleasing and formal.” Yeah. Formal that it bored her to death. Hindi nalang pinatulan ni Chyiarah ang sinabi ng ina. Of course the party should be formal. Maski ang mga tugtugin ay nakakapangilabot sa kanya. Not that she hates old songs. Marami rin naman siyang old songs na nagugustuhan. Pero hindi lang talaga siya natutuwa sa mga formal occasions na tulad nito. Pangiti-ngiti nalang ang dalaga sa mga taong ipinakilala sa kanya ng mga magulang na wala nang ginawa kundi purihin ang itsura niya. Nagtatawanan na ang mga ito over something na hindi niya maintindihan. O talagang wala siyang pakialam. She wanted to get out from here, fast! Nawalan ng pakialam si Chyiarah sa sinasabi ng mga magulang nang makita niya ang kaibigang si Loridee. Ang bunso ng mga Bachelor. They were best friends for time immemorial. Mabuti nalang at may makakausap na siyang matino. Nagpaalam siya sa ina na hindi na nakatutol dahil mabilis na siyang tumakas mula sa mga ito. “Hey, girl!” Masiglang bati ni Loridee. Nanlaki pa ang mga mata nito pagkakakita sa suot niya. “Himalang pinayagan ka ni Tita na magsuot ng ganyan?” Hinagod ni Chyiarah ang sarili. “What is wrong with what I am wearing? Aint I’m hot?” Red fine silk tube dress na mid-thigh length ang suot niya na may eleganteng detalye sa gilid. Hakab na hakab iyon mula sa dibdib hanggang baywang at pabuka naman sa paibabang bahagi. Tinernuhan niya iyon ng simple pero elegante ring choker. Sa magkabilang tainga ang pares ng one carat each na diamond stud earrings. Calvin Klein wristwatch at thin chain bracelet. Ang magaganda at mahahabang binti ng dalaga ay lalong na-emphasize ng suot na three-inches high-heeled stilettos. “’Yon na nga mismo, apple pie! You are such a sultry sa suot mo.” Hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon dahil parating ganoon ang tawag sa kanya ng mga nakikilala at nakaka-mingle.The Sultry Heiress. Na himalang hindi pa nakakarating sa mga magulang niya. She was falsely accussed of some people pero wala siyang pakialam sa iniisip ng iba. Gagawin niya ang gusto niyang gawin. “And knowing Tita, she wouldn’t allow you to wear that in this kind of occasion.” Dagdag pa nito. Well, tama naman si Loridee. Pinagtaluhan nilang mag-ina ang suot niyang iyon ng napakatagal. Pero dahil hindi rin naman siya paaawat, at sinabing hindi siya sasama sa party kung hindi iyon ang suot niya, idagdag pang naroon ang Daddy niya bilang back up ay napapapayag rin niya ang ina. ‘Ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon, hon.’ Sabi ng kanyang ama na inakbayan ang asawa. Sumilip sa relos at binalingan sila. ‘Late na tayo. Kailangan ko pang makausap rin si Mr. Hendrick. Naroroon rin siya sa party ngayon. At baka mawalan na ako ng pagkakataon kapag naharang na siya ng ibang competitors—’ ‘But Emmanuel! Look what she’s wearing? Baka sabihin naman ng mga makakakita, sa yaman nating ito ay kinakapos ng tela ang unica hija natin?’ ‘Next time ay bibili tayo ng isang rolyong silk para kay Chyiarah. Pero sa ngayon, umalis na tayo at late na talaga tayo.’ Wala ding nagawa ang pagpoprotesta ng ina dahil gahol na sila sa oras. Sinadya niyang magtagal sa pagbaba para magahol sila sa oras at hindi na siya pagbihisin ng ina. Her mother was such a conservative woman. O kaya ganito ay dahil nag-iisa siyang babae at parang Barbie doll nito na ito ang nagbibihis sa kanya. But when Chyiarah stepped into the age when she can chose and dress herself ay hindi na siya mapasunod ng ginang. At ang kanyang ama ay modern mag-isip. Groovy. At higit sa lahat, alam kung ano ang in at out sa panahon ngayon. “Well, tranchè, you know me. Magagawan ko ng paraan kapag ginusto ko.” Endearment nila ni Loridee sa isa’t-isa ang mga paborito nilang dessert since when they were seven years old. Loridee called her her favourite, apple pie, while she called her tranchè… tranchè de tout, which in French means ‘slice of any’. Loridee is her slice of every dessert she loves. Ganoon katamis ang kanilang pagkakaibigan. “Yeah.” Tumatangong sagot ng kaibigan. “Pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa pagbabago mo.” Makahulugang tinitigan siya ng kaibigan. She knew why. She was once submissive. Hindi man sa lahat ng bagay, pero minsan sa kanyang buhay ay naging masunurin din siyang anak. At mapagpalagpas sa mga pagkukulang sa kanya ng mga mahal niya sa buhay. Noon iyon. Noong hindi pa niya pinalalaya ang halimaw na matagal niyang itinago sa loob ng kanyang pagkatao. And she admits she owe it to someone who gave her bittersweet memories. Kung dati ay nagagalit siya sa taong iyon, ngayon ay gusto niya itong pasalamatan. Sometimes, letting out the worldly monster inside was a great thing that would ever happen to a person. You are as if freeing your otherself. At wala siyang pinagsisisihan kung nagbagong tao man siya ngayon. Sawang-sawa na din naman siyang maging tame at submissive. Pagod na siyang maging mabait at mapagpatawad. “Nasaan nga pala si Kuya Ax?” Naitanong bigla ni Chyiarah para mailayo ang topic of conversation nila. Matagal na din silang hindi nagkikita ng panganay ng mga Bachelor. Sa walong magkakapatid na si Loridee lang ang babae, tanging ang panganay at bunso ang naging malapit sa kanya. Well, ang ilan ay nakilala at nakaharap na din niya. Ang iba pa ay nakakalat sa iba’t-ibang sulok ng daigdig para hawakan ang iba pang negosyo sa ilalim ng Bachelor Group of Companies Axyl was like her big brothers. Bukod pa sa kaibigan din si Axyl ng mga Kuya niya. While Loridee, as the youngest, madali silang nag-click dahil pareho silang prinsesa. Ang pagkakaiba nga lang nila ngayon, mabilis na sinusunod nito ang utos ng mga magulang habang siya ay hindi. But despite of the differences, hindi iyon naging dahilan para maging mag-bestfriends sila. Besides, their families were friends, too. “Ah. Ayon, nagha-hybernate sa Europe. Nagagalit na nga si Papa dahil lagi siyang laman ng tabloid dahil sa pagiging pasaway niya.” Nakasimangot na sabi ng kaibigan. “Hindi siya a-attend ng anniversary party?” “You know him, apple pie. Once na nagdesisyon siya ay wala nang makakapagpasunod pa sa kanya.” “Oh…” Nasabi nalang ni Chyiarah. She knew him. At alam na rin niya ang dahilan ng pagha-hybernate ni Axyl. Isang babae. Si Breonna, ang isa sa mga recent marketing managers ng The Wizards. Minsan ay gusto niyang mainis sa babaeng minamahal ni Axyl. Sobra-sobra itong magmahal tapos ay ano? Nah! But who was she to judge? Side lang ni Axyl ang alam niya. Naniniwala siyang parating may dalawang mukha ang isang pangyayari. Noon pa man, naghihinala na siya kay Breonna na ito si Bunny Yascha ng N.Y. Na nagdi-disguise lang ang babae. Ayaw siyang paniwalaan ni Loridee at hindi na rin naman niya ipinilit. And it turns out na tama nga siya. “Mahirap talaga kapag nai-inlove e ‘no? Dapat kasi, fling-fling lang.” Natatawang dagdag pa niya. “Graduate na siya sa fling thingy na iyan. Ikaw? Kailan mo balak gumraduate, babae ka?” Tumawa siya sa eksaherasyon ng kaibigan. Kilala siya nito higit kanino man. Kaya hindi niya pwedeng itanggi ang sarili. “E’ ikaw? Kailan ka magmo-move on sa ex mo? For sure, tigang na tigang ka na. Magpalit ka na nga ng love interest.” “Luka-luka!” Natatawang singhal nito sa kanya. She was glad to know that her bestfriend can smile and laugh now. Kung may ilang buwan din itong nagmukmok at kahit anong pag-aaya niyang lumabas ito ay hindi niya mapilit. Sa huli ay sinasamahan nalang niya itong mag-movie marathon para aliwin ang nasaktang puso. Kaya nga ba ayaw niyang nadadawit ang puso sa pakikipagrelasyon. Ayaw niyang maging alipin ng pakiramdam na iyon. Ayaw na niyang masaktan tulad ng mga kaibigang naging napakalapit sa kanyang puso. She hates complication that is why she never entered into serious relationships… after her last. Masaya naman na siyang makipag-fling at magpaligaya ng mga manyak na ka-fling. Naalala na naman niya si Chace. Ang gwapong si Chace… “Hey, wait apple pie. Tinatawag ako ni Papa. Enjoy the party, okay?” Mabilis na tumakas si Loridee at nagkukumahog na lumapit sa sumesenyas na ama. Siya naman ay iniikot ang mga paningin sa paligid. Malapit na talaga siyang malagutan ng hininga sa loob ng ballroom. Lalo na nang magsimulang magsalita ang host ng party. At bago pa siya muling makaladkad ng mga magulang ay lumabas na siya roon. Dumeretso siya sa roof top ng building ng Bachelor’s Hotel. Doon nalang siya magpapalipas nang oras hanggang magdecide na ang kanyang mga magulang na umuwi na sila. “Eeer! Dapat ay nasa bar ako ngayon at nakikipagharutan kay Chace!” Naiinis na reklamo niya sa sarili. She admits Chace captured her. Kaiba kasi ito sa mga ka-fling niya. Hindi demanding at hindi selfish pagdating sa sekswal na aktibidades. Unlike her recent flings na mas madalas ay siya ang nagpapaligaya. Kaya nga hindi niya maramdaman sa mga iyon na isuko ang kanyang hiyas. Hanggang touching at teasing lang sila. But with Chace, she considered him with finger f*****g. She wants him to do that deed to her. And also that there was something in his kiss. And the feeling he was igniting her… parang pamilyar na di niya maintindihan. At hindi niya iyon maramdaman sa mga ka-fling. Hindi siya ganoon kahanda na ibigay ang kanyang sarili sa kahit na sino. Though some men knew she was a teased. And she doesn’t even care what others might think about her. Tulad ng wala rin ang mga itong pakialam sa iniisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD