Moone Cheska’s
Nakapikit akong pinapakiramdaman ang paligid. Hindi ko mawari kung guni-guni lamang ngunit parang may ibang tao sa paligid. Did those gangs tried to sneak on my house? Pikit na kinapa ko ang baril na nakatago sa uluhan nang kama ko. Ilang segundo lamang ng parang may lumulundag sa kama ko. Lumulundag?
“Mommy...” Napakunot ang aking noo, sino 'yong nagsalita? Nanatili a rin akong nakapikit. Hanggang sa bumalik ang alaala ko sa mga nangyari kahapon.
Iyong cute na bata.
Ako daw ang mommy niya.
Iniuuwi ko siya sa unit ko.
“Mommy please wake up! Wake up!” Napadilat ako. Bakit hindi na lang naging panaginip iyon?! Tinapiktapik ko ang mukha ko pero walang pagbabago. Nasa harap ko ngayon ang poging bugwit at ngiting ngiti sa harapan ko. Napabuntong hininga na lamang ako.
“Yey! Mommy's awake!” Tuwang tuwa niyang sabi. Pekeng ngiti naman ang ibinalik ko rito.
“What do you want?” tinatamad kong tanong.
“Mommy I'm hungry,” Nakangusong sabi niya.
Kinuha ko yung phone ko sa side table para tignan kung anong oras na, alas dos palang ng madaling araw...bigla kong naalala na hindi kami nakapag dinner dahil nakatulog ako.
“Where did you sleep?” bigla kong tanong. Pagkauwi ko kase kahapon basta ko na lang siya ibinaba at ako naman ay nahiga sa kama.
“I slept beside you mommy,” Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang, kapag sa sala yan natulog naku konsensya ko pa. Tumayo naman ako at nagtungo ng kusina, habang nakasunod lang sa akin ang bugwit.
“What do you want for breakfast?” anong ko sa kanya.
“Bacon and egg mommy,” Excited niyang sabi. Mukhang gutom na nga, hindi ko pa rin maiisip na isa ako ngayong babysitter ng isang ligaw na bugwit.
“Okay let's have hotdog for breakfast.” Hindi nalang sana ako nag tanong, hotdog na lang pala meron. Huling nalagayan ang refrigerator ko two months ago pa.
“Ha… Okay,” Inilabas ko na ang hotdog at sinimulang magluto. Parang gusto pa niyang magreklamo pero 'di naman tinuloy. Napangiti ako. Good boy.
Pagkatapos naming mag-almusal 3:30 pa lang kaya nanuod nalang kami, hindi rin naman daw inaantok tong kasama ko. Napakahyper, minsan nagkukuwento ng kung ano-ano. Sa kaibigan niyang hindi niya na kaibigan kase inaaway siya, tama ba? Ewan hindi naman talaga ako nakikinig.
“Hey wanna come with me at my school?” tanong ko sa kanya. Alangan naman kaseng iwan ko siya dito, baka ano pang mangyare ako ang madale sa kung sinumang nagluwal sa batang ito.
“Really mommy? School?" hindi makapaniwala niyang tugon.
“You want to come or what?.” Maldita kong tanong pero hindi niya naman yata napansin.
“I'm coming mommy! Pleaseeee…” Pacute niya pang sabi. Sus, kagatin ko pisngi nito e. Kacute sarap kurutin.
Parang butiking nakakapit sa akin ang bugwit na tila ba nasaakin ang kaluluwa niya. Ang ipinagtataka ko pa ay may baon siyang mga damit na aabot siguro ng tatlong palitan. Napaisip tuloy ako kung naglayas ba siya or sadyang iniwan.
“Naglayas k aba sa inyo bata?” tanong ko habang tutok sa pagmamaneho.
“What's naglayas mommy?” Aba English spokening! Nakakatamad mag-explain kaya hinayaan ko na lang. Parang inaantok pa ako kaya wala ako sa mood makipagdaldalan.
Maaga pa para sa school kaya ang tinanong ko kung may gusto siyang puntahan pero umiling lang ito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
“I just want to be with you Mommy.”Sweet sana ang dating kung totoong anak ko siya. Pero sa sitwastyon ngayong ang cringe ng dating eh. Napabuntong hininga na lamang ako.
Sa school na lang kami siguro tatambay. Sa likod ng Campus na ako dumiretso kung saan naroon ang exclusive parking for owners and VIPs. May elevator rin doon kung saan diretso sa office ni daddy. Wala naman siya or si kambal kaya doon ko na lang iiwan si Baby Sky. Mas safe siya doon.
“Sky I have to go my class, stay here okay...huwag kang lalabas,” bilin ko. Binigay ko sa kanya ang iPod ko para iyon ang paglaruan niya habang wala ako.
“I'll behave basta bilisan mo ah?” May pa-slang pa niyang sabi, tumango ako bilang sagot binilin ko pa siya ulit bago umalis.
Alas nueve nang magbreak kami. Dali dali ako akong lumabas ng room dahil baka ano na ang nagyari sa batang iyon. Halos tatlong oras ring walang kasama iyon.
Sa pagmamadali kong makita si Sky, nakalimutan kong bumili ng makakain namin. Hay! Shunga naman! Malayo na ang canteen at tinatamad na rin akong bumalik. Pero baka gutom na si bulinggit, alas dos pa ng madaling araw ang huli naming kain.
Nilibot ko ang paningin ko, mag-uutos na lang ako ng kahit sinong estudyante. May nakita akong mukhang Manang na lumabas sa library kaya ito na ang tinawag ko ito. Mukhang makakapagkatiwalaan naman siya.
“Hey!” Pagtawag ko rito.
“Ako po?” kita sa mukha niya ang pagkagulat., itinuturo any sarili upang siguraduhing siya ang tinatawag ko. Napakunot noo ako.
“Yes, may iba ka bang nakikita bukod sa 'yo?” pagtataray ko. Ito naman ang image ko sa eskuwelahang ito, panindigan na. Ano ba kasing mero na kinatatkutan ako. Psh.
“Sorry po...he he ano pong kailangan niyo Ms. Ford?” Magalang nitong tanong habang kumakamot pa sa kilay.
“Bilhan mo ako ng pagkain sa canteen. Damihan mo.” Ibinigay ko sa kanya ang Card ko. Aalis na sana siya bang pigilan ko. “Atsaka Cheska nalang ang pangit ng Ms. Ford parang sasakyan.” Pairap kong dagdag.
“Okay...C-cheska.”
“Bumili ka na rin ng sa 'yo.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na. “Ihatid mo nalang sa office ni daddy.” Patalikod kong bilin.
Dumiretso ako sa office dad pagpasok ko, agad kong nakita ang walangyang nakaupo na parang boss? Bakit bumalik pa siya? Tsk!
Nilagpasan ko siya at hinanap si Sky. Nadatnan ko itong busy sa pipindot sa iPod. Mukhang wala ngang pake sa paligid. Hinayaan ko na lang muna.
Ibinalik ko ang tingin ko sa tsunggong mukhang tinapa. He look at me with a smirk in his lips, napairap na lang ako at saka masama siyang tinignan. Bakit nandito ang tsunggong ‘to?
“Sino ka?” Umarte akong 'di ko siya kilala.
“Ako ang iyong fairy godmother!” Ipinilantik pa niya ang mga daliri. Baklang bakla yucks! Napairap na lang ulit ako. Parang mamamaga ang mata ko sa kakairap sa kanya. Pero kahit na basta masasapak ko lang siya ng isa.
“Ano? Nauntog ka ba sa Japan at tuluyan nang nabaliw? Dukutin koi yang mata mo e.” Umupo ako ng pabagsak sa swivel chair ni Daddy. Nang muli kong tignan ang tsonggo ay ganun pa rin. Ano ba! Bakit may kapatid akong malakas ang topak?