Chapter 3

296 Words
OKAY. Kasama ko ngayon ang lalaking nagligtas sa akin pero hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. Mula sa paglalakad ay lumipad ang tingin ko sa kanya. Saka ko lang napansin na patingin-tingin din pala siya sa akin. Nakayuko kasi ako habang naglalakad kami. Hindi pa naman kami masyadong nakakalayo. Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin ang kasabay ko. “Is something wrong?” magaan niyang tanong sa akin. Naisip ko kung sasabihin ko ang pangalan ko sa kanya. Hindi naman kasi siya nagtanong kaya baka hindi siya interesado. Pero magkasama kami ngayon kaya dapat ay alam ko kahit pangalan man lang niya. “H-Hindi ko pa alam ang pangalan mo…” mahinang gagad ko. Natapik niya ang noo. “Oh! Where’s my manner?” Tila napapahiyang bulalas niya. “I’m sorry kung hindi kaagad ako nakapagpakilala sa iyo. I’m Clark.” Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Siyempre ay natural lang na sabihin ko na rin ang pangalan ko. “Bella. Bella ang pangalan ko.” Okay. Hindi ko iyong totoong pangalan. Hindi kasi niya dapat malaman ang totoong pangalan ko. Mahirap na. “Kasingganda mo ang pangalan mo Bella.” Simpatikong saad niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang palad ay magaang paggapa sa aking kamay. May kung anong kuryenteng dumaloy mula sa kanya papunta sa akin kaya medyo napaiktad ako. Kiming ngumiti nalang ako saka nahihiyang bumitaw sa kamay niya. Pagkatapos ay nagpatuloy na akong maglakad. Sumunod na rin siya. HELLO PO! ANG KABUUAN NG CHAPTER AY MAPAPANOOD PO SA AKING YOUTUBE CHANNEL - D' ODYSSEY STORIES. BASA NA PO. PLEASE SUBSCRIBE NA RIN PO SILA AT PINDUTIN ANG BELL BUTTON PARA UPDATED SA MGA NEW POST AND UPDATES. HUWAG PO NILANG KALIMUTANG MAG-LIKE AT COMMENT. MARAMING SALAMAT PO!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD