“HINDI KA galit?” Pinadaan niya ang mga mahahaba niyang daliri sa aking hubad na likod. Umangat ako sa pagkakadapa para matignan siya. “Na-miss kita kaya bukas na ‘yong galit ko.” Inaantok kong sabi bago ako pumikit. Hinihila na ako ng antok lalo na at napakasarap sa pakiramdam ang paglalaro ng mga daliri niyang kumakamot sa likod ko. Ito ‘yong isang gustong-gusto ko kay Marcus. Walang gabing hindi niya ako pinapatulog na hindi niya muna hinahaplos-haplos ang likod ko at bubulungan ng mga sweet nothings. “Mahal kita. Ikaw lang. Akin ka lang at sa'yo lang ako. Ang lahat-lahat sa akin ay pagmamay-ari mo. Mahal kita...” iyan ang lagi niyang sinasabi nang paulit-ulit hanggang sa mahimbing ako. And I love it. I’m starting to love him more and more, deeper and deeper each day. Wala sa loob na

