HINAPIT KO siya palapit pa sa katawan ko. My heart was beating so fast. Gusto na nitong sumabog sa sobrang saya. Damn! Sobrang saya. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ako kasaya ngayon, siguradong wala na akong boses bukas. Nang makita ko ang tattoo niya kanina, halos malagutan ako ng hininga. Parang sinipa ng kabayo ang dibdib ko sa sobrang sakit nito. Sakit na dulot ng sobrang kaligayahan. When I kissed his lips, I wasn’t able to control my tears from falling. Ngayon ko na-realize na hindi lang pala galit at takot ang nakakapagpaiyak sa isang tao kundi pati na rin ang sobrang kaligayahan. Lahat ng pumatak na mga luha ko sa buong buhay ko ay iisang tao lang ang dahilan. Si Chester Janus Serna. Ang Janus ko. Muli kong hinagkan ang ulo niya. I now believe that there

