“s**t!” Pagmumura ko sa harap ni Flame. “Ikaw na lang ang pumunta sa kanila bukas, Master. At least, wala na silang magiging excuse.” Langya. Nagmamatigas ‘yong mga kinikilalang parents ni Francis na makipagmeet up sa akin. Tatlong linggo na nila akong pinaghihintay sa wala. Nag-iinit tuloy ang ulo ko. “Sige, bukas pupunta ako doon. Isusurpresa ko na lang sila para wala na silang kawala.” Napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan na kung hindi binubugbog sa hirap ay binubugbog naman sa sarap. Initiation day kasi para sa gustong maging member ng 7 Demons ngayon at sa totoo lang ayoko munang sumali sa pangtotorture ng mga estudyante. Nahihiya pa ako sa Diyos. “Kumusta naman si Francis?” Pagbabago ni Flame ng topic. “Aiyon, aral nang aral. Pinupuno daw kasi niya ‘yong utak niya ng bagong

